Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 232

Share

Seductress Unforgotten Chapter 232

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-05-12 20:50:08

Sa burol…

Isang simpleng chapel, may puting kurtina, ilang bulaklak sa gilid, at isang bukas na kabaong na may larawan ni Monica sa harap. Nakaayos ang kanyang mukha, payapa at maganda pa rin. Parang natutulog lamang.

Dumating ang mga kaibigan, dating katrabaho, at ilang kamag-anak. Tahimik ang paligid—walang labis na musika, walang engrandeng ayos, kundi dasal, tahimik na iyakan, at pag-alala.

“Si Monica, hindi siya madaldal,” wika ng isa sa mga kaibigan niya. “Pero grabe siya magmahal. Lahat ng problema mo, kaya niyang damayan kahit may sarili siyang pinapasan.”

“Isa siyang ina, asawa, anak, kaibigan—na walang katumbas,” dagdag pa ng isa. “Ang kabutihan niya… hindi basta mawawala.”

Habang nakikinig, tahimik lang si Lance. Suot ang itim na long sleeves, hawak ang kamay ni Lucien. Lumapit si Rene, at tinapik siya sa balikat.

“Maraming nagmamahal sa anak ko. At ngayon, gusto kong sabihin sa'yo, anak na rin kita.”

Nagulat si Lance. “Sir—”

“Rene na lang, Lance. Matagal ka nang bahagi ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 232

    Sa burol…Isang simpleng chapel, may puting kurtina, ilang bulaklak sa gilid, at isang bukas na kabaong na may larawan ni Monica sa harap. Nakaayos ang kanyang mukha, payapa at maganda pa rin. Parang natutulog lamang.Dumating ang mga kaibigan, dating katrabaho, at ilang kamag-anak. Tahimik ang paligid—walang labis na musika, walang engrandeng ayos, kundi dasal, tahimik na iyakan, at pag-alala.“Si Monica, hindi siya madaldal,” wika ng isa sa mga kaibigan niya. “Pero grabe siya magmahal. Lahat ng problema mo, kaya niyang damayan kahit may sarili siyang pinapasan.”“Isa siyang ina, asawa, anak, kaibigan—na walang katumbas,” dagdag pa ng isa. “Ang kabutihan niya… hindi basta mawawala.”Habang nakikinig, tahimik lang si Lance. Suot ang itim na long sleeves, hawak ang kamay ni Lucien. Lumapit si Rene, at tinapik siya sa balikat.“Maraming nagmamahal sa anak ko. At ngayon, gusto kong sabihin sa'yo, anak na rin kita.”Nagulat si Lance. “Sir—”“Rene na lang, Lance. Matagal ka nang bahagi ng

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 231

    Tahimik ang ospital, tila sumasabay sa pagdadalamhati ng bawat pamilyang naroon. Sa loob ng ICU, tahimik pa ring yakap ni Lance si Lucien—walang ibang maririnig kundi ang mahinang pag-iyak ng bata at ang hikbi ng isang ama. “Mama…” bulong ni Lucien, habang nakapikit at mahigpit na nakayakap kay Lance. “Bakit po natutulog si Mama ng matagal?” Hindi agad nakasagot si Lance. Kumirot ang puso niya. Pinisil niya ang batok ng anak, pilit pinatatag ang sarili. “Matagal lang siyang magpapahinga, anak,” sagot niyang paos. “Pero lagi siyang nandito.” Tinutok niya ang hintuturo sa dibdib ng bata. “Sa puso mo. Sa puso ko.” Sa labas ng ICU, pinilit ni Rene na buuin ang lakas. Lumuhod siya sa harap ng asawa. “Rowena…” Tinapik niya ang kamay nito. “Pasensya ka na. Hindi ko agad nasabi… hindi ko agad…” Napatigil siya, at tuluyan nang napaiyak. “Hindi… hindi pwede…” nauutal na sabi ni Rowena habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Kakausap ko lang sa kaniya kahapon. Sabi niya, mas okay na raw si

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 231

    Tahimik ang ospital, tila sumasabay sa pagdadalamhati ng bawat pamilyang naroon. Sa loob ng ICU, tahimik pa ring yakap ni Lance si Lucien—walang ibang maririnig kundi ang mahinang pag-iyak ng bata at ang hikbi ng isang ama.“Mama…” bulong ni Lucien, habang nakapikit at mahigpit na nakayakap kay Lance. “Bakit po natutulog si Mama ng matagal?”Hindi agad nakasagot si Lance. Kumirot ang puso niya. Pinisil niya ang batok ng anak, pilit pinatatag ang sarili.“Matagal lang siyang magpapahinga, anak,” sagot niyang paos. “Pero lagi siyang nandito.” Tinutok niya ang hintuturo sa dibdib ng bata. “Sa puso mo. Sa puso ko.”Sa labas ng ICU, pinilit ni Rene na buuin ang lakas. Lumuhod siya sa harap ng asawa.“Rowena…” Tinapik niya ang kamay nito. “Pasensya ka na. Hindi ko agad nasabi… hindi ko agad…” Napatigil siya, at tuluyan nang napaiyak.“Hindi… hindi pwede…” nauutal na sabi ni Rowena habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Kakausap ko lang sa kaniya kahapon. Sabi niya, mas okay na raw siya. Re

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 230

    "Monica… Moni…" Mahina ngunit puno ng pagmamakaawa ang tinig ni Lance habang hawak ang malamig na kamay ng kanyang asawa. "Andito lang ako. Huwag kang matakot. Hindi kita iiwan. Hindi kailanman."Parang bata siyang naghahanap ng sagot sa mga matang nakapikit. Paulit-ulit niyang kinakausap ang walang malay na si Monica. Tila umaasa na sa pamamagitan ng paghawak, ng boses niyang basag na ng luha, ay maririnig siya nito… magigising… babalik sa kanya."Si Lucien… anak natin…" Pigil ang hikbi, pinilit niyang ngumiti. "Nasa NICU pa rin. Pero lumalaban siya. Malakas ang loob ng anak mo, Moni. Parang ikaw."Hinaplos niya ang pisngi nito. Magaspang na ang palad niya sa puyat at pag-aalala pero ang haplos niya ay sing-lambing pa rin ng unang halik."Gusto ka na niyang makita. Gusto niyang marinig ang boses mo. Moni… gumising ka. Para sa kanya. Para sa atin."Biglang bumukas ang pintuan. Isang malamig na pag-ihip ng hangin ang tila dumaan sa kanyang dibdib. Pumasok ang doktor. Mabigat ang ekspre

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 228

    Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 227

    Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 226

    Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 225

    At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 224

    Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status