Kinabukasan, muling bumalik sa Santa Lorenza sina Sara, Adrian, Joy, at Totoy. Sa pagkakataong iyon, mas determinado silang makakuha ng matibay na ebidensiya. Hindi sapat ang mga litrato. Kailangan nila ng pruweba—isang imahe, galaw, kahit anong detalye na puwedeng mag-ugnay sa babae sa beach at sa misteryosong pagkatao ni Sara.Pagdating nila sa resort, lumapit si Adrian sa manager mismo. Nakasuot siya ng formal polo at dala ang kanyang ID bilang may-ari ng Crystal Clear J Resort, isang kilalang lugar sa kabilang isla.“Good morning po, sir,” bati ng manager.“Good morning din,” sagot ni Adrian, diretso sa punto. “Ako po si Adrian Jasendo, may-ari ng Crystal Clear J Resort sa kabilang isla. May hinihiling po sana kaming tulong. Tungkol ito sa isang guest na maaaring nakita sa resort n’yo noong isang araw. May kinalaman po kasi ito sa nawawalang bahagi ng pagkatao ng fiancée ko.”Napatingin ang manager kay Sara na noon ay tahimik lang sa gilid, mahigpit ang hawak sa kanyang bag.“Sens
Terakhir Diperbarui : 2025-06-19 Baca selengkapnya