MargarethWalong taong gulang pa lamang ako nang tuluyan kong maunawaan ang mundong kinasadlakan ko. Sa murang edad, natutunan ko na agad kung paanong tumikom ang bibig kahit nais mong sumigaw. Paano ngumiti kahit ang puso mo'y unti-unting nadudurog. Pero kahit mas bata pa ako noon, alam kong may mali. Ramdam ko. Hindi maganda ang pagtrato sa akin ng babaeng inakala kong ina ko, si Teresa.May isa pa akong kapatid o mas tamang sabihing, akala kong kapatid, si Natasha. Maganda siya at palaging pinupuri ni Teresa. Ako? Ako ang laging may sala. Kahit hindi ko naman kasalanan, ako ang sinisisi. Kahit wala akong ginagawa, ako ang pinapalo. Si Natasha ang prinsesa. Ako, parang anino lang.“Bakit laging ako ang napapagalitan, Ate?” minsan kong naitanong kay Natasha, nanginginig ang boses ko habang hawak-hawak ang sariwang pasa sa braso ko.“Dahil ikaw ang malas sa bahay na ‘to,” malamig niyang tugon, saka tumalikod na parang wala lang siyang nasabi. Bata pa lang kami pero ganon na siya umakt
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya