Habang patuloy na binabaybay ni Marco ang kalsada, mahigpit ang hawak niya sa manibela. Ang bawat ikot ng gulong ay tila sinasabayan ng pag-ikot ng mga salitang naiwan ni River sa kaniyang pandinig. Paulit-ulit, parang sirang plaka na hindi tumitigil:"Kuya ka nga, pero mas inaalala mo ang asawa mo."Napangiwi siya, ramdam ang paninikip ng kaniyang dibdib. Kilalang-kilala niya si River—hindi ito kailanman marunong rumespeto. Mula ulo hanggang talampakan, animo’y nakatatak na sa anyo nito ang pagiging bastos. Laging may halong yabang ang tikas, laging may sarkasmo ang tinig, at ang bawat titig ay puno ng panlilibak at pangmamaliit.Naalala niya pa kung paano iyon binitiwan ni River kanina, malamig, mabigat, at may lasong nakatago sa bawat pantig.“Marco,” anito, nakangiti ngunit puno ng pang-uuyam, “ang dami nang taon ang lumipas, pero bakit hanggang ngayon, hindi ka pa rin gumagaling sa pagkabulag mo?”Dati, hindi niya siniseryoso ang mga birong ganoon. Alam niyang ganoon talaga si Ri
Terakhir Diperbarui : 2025-08-19 Baca selengkapnya