JACQUELINE POV KAGAYA ng sinabi ko kay Daddy kahapon, pagkatapos ng klase ko ay nagpahatid ako sa driver na ini-assign para sa akin ni Russell papunta sa dati naming bahay. Habang nasa biyahe, hindi mapakali ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero simula pa lang kagabi, may kakaiba na talaga akong nararamdaman. Para bang may kung anong mabigat na naghihintay sa akin sa bahay na iyon. At habang papalapit kami roon, lalo lang lumalala ang kaba sa dibdib ko. “Ma’am, nandito na po tayo.” napakurap ako nang magsalita ang driver. Marahan akong napabuntong-hininga bago tumango. Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko. Parang may mali talaga eh. Pero, dahil nandito na din lang ako, wala na akong nagawa pa kundi ang ituoy na lang ang pakikipagkita kay daddy Sandali lang naman ako. Sandaling sandali lang at aalis din naman kaagad ako eh. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, agad kong nasilayan ang malaking gate ng bahay na minsang naging tahanan ko. Pero imbes na pananabik,
Read more