JACQUELINE POV KINABUKASAN, kagaya ng inaasahan, hirap na hirap akong bumangon sa kama. Pakiramdam ko, hindi ko maramdaman ang sarili kong balakang. Dagdagan pa ng kulang ako sa tulog. Sobrang inaantok ako at feeling ko nga, umiikot ang buo kong paligid. Pero, hindi ako pwedeng umabsent. Last week, isang linggo akong hindi pumasok sa school, kaya naman kahit na nahihirapan, pinilit ko ang sarili kong bumangon mula sa kama. Si Russell, mahimbing na natutulog sa tabi ko. Bahagyang nakatagilid habang yakap ang unan. Magulo ang buhok nito at halatang pagod at puyat. Sandali ko pa siyang pinagmasdan bago ako tuluyang tumayo. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Para akong binugbog magdamag. Napahawak pa ako sa may balakang ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa banyo. Pagkapasok ko roon, kaagad na rin akong naligo. Malamig na tubig ang ginamit kong panligo para kahit papaano ay magising ang diwa ko. Pagbagsak pa lang ng tubig sa katawan ko ay na
Read more