KATRINA POV Masaya akong pumasok ng kwarto pagkagaling namin sa labas ni Kuya Christopher. Kahit papaano, nakaramdam ako ng gaan ng kalooban sa isipin na umaayon sa akin ang tadhana. Na magagawa ko na palang mabuhay na hindi na kailangan pang umasa kay Ate Amery. Kanina, ayos na. Pumayag na si Kuya Christopher na dito ako titira kaya naman simula bukas, magiging masipag na ako. Kailangan ko nang kumilos at tumulong sa mga gawain dito sa bahay. Tama, hindi man direktang sumang-ayon si Kuya Christopher kanina na magiging totally kasambahay ako pero kailangan kong kumilos. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin. Libre na nga na ang pagtira ko sa bahay na ito, mag-aasal senyorita pa ako? Pagkatapos kong gawin ang aking evening routine, tuluyan na din akong nahiga ng kama. Ilang saglit lang, nakatulog na din naman ako. Eksakto alas sinko ng umaga ako nagising kinaumagahan. Dali-dali akong bumangon at pumasok ng banyo. Naghilamos, toothbrush pagkatapos nagpalit ng kumportableng da
Last Updated : 2025-06-26 Read more