DARVEY: POV “Cheers! Woohooo! Congratulations, Pards! Wala ka nang poproblemahin ngayon sa mga magulang mo, ‘di ba?” malakas na sigaw ni Drick habang tinutungga ang alak. Halos mabasag na ang boses niya sa tuwa. “Yeah, that’s true, Pards,” sagot ko, ngiting-ngiti habang nakatingin sa kanila. Para bang ang liwanag ko, pero sa totoo lang, gulo lahat sa loob. “How about that girl?” sabat ni Cindy, sabay lingon sa direksyon ni Rheana. Napatingin din ako. Nasa kabilang mesa siya — mag-isa. Tahimik. Para bang hindi siya kabilang sa selebrasyong dapat ay para sa kanya rin. Ang mga mata niya, malayo ang tingin, parang may sarili siyang mundo. Pero nang tumingin siya sa akin, ngumiti siya. Mapait. Pilit. Ngumiti rin ako pabalik, para lang hindi mahalata ng iba. “Honey, napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba? And you agreed,” malambing kong sabi kay Cindy. Pero sa ilalim ng lambing na ‘yon, alam kong ako mismo, hindi ko naiintindihan kung anong klaseng laro ang pinasok ko. Tahimik pa rin si Rh
Last Updated : 2025-02-13 Read more