Share

Chapter 118

last update Last Updated: 2025-06-24 22:28:07
Umikot ang mga mata ni Kara at sinubukan ang wedding anniversary nila. Pero hindi gumana, sinubukan pa niyang pag-ibahin ang pagkakasunod baka kasi day, month and year pala pero hindi pa rin gumana.

Padabog niyang ibinalik kay Marco ang cellphone. “Baka anniversary ninyo ni Nickelle ang nandiyan!”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lydia na hindi nakaligtas sa obserbasyon ni Kara.

“Napaka-selosa talaga ng asawa ko,” pinaghalong ngiti at ngiwi na sabi ni Marco.

“Hindi ako selosa. May basehan lahat nang sinasabi ko,” galit na sabi ni Kara. “Bubuksan mo ba ito o hindi?”

Hindi pa rin binawi ni Marco ang cellphone. “Date nung first night natin.”

Humaba ang nguso ni Kara at saka nanatiling nakayuko lang. Iniisip niya yung eksaktong date ng dapat sana ay one night stand lang sa pagitan nila ni Marco. Kumunot ang noo niya at saka nakagat niya ang loob ng pang-ibaba niyang labi.

Sinamaan nang tingin ni Marco ang babae. “Hindi mo natatandaan?”

Kinikilig na napangiti si Lydia. “Babalik na po ako
Lilian Alexxis

Para-paraan lang si Marco para makayakap sa asawa.

| 19
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
sna meron pa missA ang ganda na tlga
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
oo nga bat pg si Kara mabilis ka mainis ph c Nickele malambing ka
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
haha segi Kara mg isip k ng idadahilan haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 164

    “Stop calling me baby. I am not one of your girls,” inis na sabi ni Amari.Napasinghap siya nang mas lalong hinigit ni Noah ang katawan niya. Napapikit siya sa inis, tiningnan muna niya kung may nakakakita ba sa kanila pero medyo madilim sa kinatatayuan niya. Sinubukan niyang magpapalag.“Don’t move, baby. Stay still,” paos at pabulong na sabi ni Noah.Nag-init ang mukha ni Amari nang maramdaman may kung anong bumubukol sa gitna ng lalaki at tumutusok iyon sa kanyang lower back. “Noah, you are drunk. Let go of me.”“Please..” pagmamakaawa ni Noah.Alam ni Amari na marami nang nainom ang lalaki at kung hindi ito mapipigilan ay posibleng gumawa na naman ito ng eksena pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki. Nagpalinga-linga siya at napansin niya ang paglapit ng kanyang Kuya Marco sa pinto habang may kausap na isang matandang babae.“Kuya!” pagtawag ni Amari.Agad hinanap ni Marco ang boses ng kapatid. Mabilis na bumitaw si Noah sa babae sa takot na may masabi sa kanya s

  • The Billionaire's Rewritten Vow    Chapter 163

    Kinakabahan si Allona sa paghihintay kina Marco at Kara. Alam niyang hindi siya welcome sa double celebration ngayon pero nakiusap siya sa kanyang stepfather kung puwede siyang sumama para subukang humingi ng tawad kay Kara.Nang makita niya na pababa na sa hagdan ang pamilya ay tumayo siya para salubungin ang mga ito. Walang anumang reaksiyon ang mababanaag sa mukha ng mag-asawang Marco at Kara nang lapitan sila ni Allona.“Kara, sorry I tagged along with my family. I wanted to say sorry for everything I have done,” nahihiyang sabi ng babae.Nanatiling nakatingin si Kara sa dating kaibigan. Hindi kasi niya alam kung sinsero ba ang paghingi ng tawad ng babae sa kanya. Naramdaman ni Kara ang kamay ng kanyang mister sa kanyang baywang kaya napalingon siya sa lalaki na nakatingin lamang sa kanya.“Tatanggapin ko kung hindi mo pa ako mapapatawad pero gusto ko pa ring mag-sorry,” dagdag pa ni Allona bago tumalikod.Nakalaya ang babae last week matapos makulong ng tatlong taon. Hindi nila i

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 162

    “Move it to your right,” pagbibigay instruction ni Amari kay Noah.“Like this?” tanong ng lalaki.“A little bit farther,” sagot ng babae.“Here?” tanong ulit ni Noah.“Ako na lang kasi!” yamot na sabi ni Amari. “Ako na kasi ang nandiyan kanina, nangingialam ka pa!”Nag-volunteer kasi si Amari kay Marco na siya ang mag-a-ayos ng design para sa party ngayon. Pinagsabay na nila ang thanks giving sa transplant ni Kyros at gender reveal para sa ipinagbubuntis ni Kara. Pamilya at malalapit na mga kaibigan lang naman ang imbitado kaya dito na lang ulit sa bahay ng mga Baker naisipang gawin ang party.Maaga pa para sobra-sobrang magdiwang pero base sa mga test ni Kyros ay nagsimula na magproduce ng blood cells ang bone marrow ng bata, tatlong linggo na rin itong hindi nagsasalin ng dugo at ayon kay Xander ay magandang senyales iyon.“Baba ka na diyan sabi!” nanggigigil nang sigaw ni Amari.Sambakol ang mukha ni Noah na bumaba ng hagdan at inalalayan na lamang si Amari sa pag-akyat. Isinabit n

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 161

    “Oo naman, kuya!” mabilis na sagot ni Amari. “It will make your relationship official.”“Magkalayo ang agwat ninyo ni Xander, baka sa iyo hindi pa kayo pero dahil pumayag ka magpayakap at halik sa noo at kung ilang buwan mo na siya pinapayagan nang ganyan… I think you have to clarify your relationship with him,” payo ni Marco. Natahimik si Amari at saka siya napaisip. Ano nga ba sila ni Xander? Ano nga ba si Xander sa buhay niya? Ang doktor lang kasi ang naglakas ng loob na manligaw sa kanya at nagpaalam pa ito ng pormal sa kanyang ina kaya naman tumaas lalo ang tingin niya sa lalaki. Maliban sa mga tingin ng doktor sa kanya minsan na puno nang pagnanasa at aaminin niya na nagpapatayo ito ng mga buhok niya sa braso at leeg, nararamdaman rin naman niya ang respeto at pag-aalaga ng lalaki sa kanya.Kumunot ang noo ni Kara nang makitang pumasok na sa procedure room si Xander kasunod ng iba pang doktor. Sabay na napalingon sina Marco at Amari sa tinitingnan ni Kara. Nasa parang viewing d

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 160

    “Baby, sa room ka na lang kaya ni Kyros maghintay,” aburidong pakiusap ni Marco sa asawa.Napapikit si Kara sa kulit ng kanyang mister. Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya. “I said I will stay, Marco.”Natahimik ang lalaki. Alam niyang galit na ang asawa sa kanya pero hindi niya magawang hindi mag-alala. Mahigit apat na buwang buntis ang misis niya tapos gustong manood ng bone marrow transplant procedure ng kanilang anak dahil mas hindi raw ito makakampante sa loob ng silid ni Kyros.“I’m just worried for you and our Baby Avocado.” Parang bata na humaba ang nguso ni Marco.“Avocado?” kumunot ang noo ni Kara. Ibang prutas na naman kasi ang tawag ni Marco sa ipinagbubuntis niya.“Orange na ba?” seryosong tanong ni Marco.“What the heck, Kuya? Ginawa mong fruit cocktail ang pamangkin ko!” tumatawang komento ni Amari.“Lahat na yata ng prutas, naitawag niya sa baby namin,” nakasimangot na sabi ni Kara habang hinihimas ang maliit niyang tiyan.“I read. Ang sabi ang size nga

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 159

    Mas naging madalas ang pagpunta ng pamilya De Guzman sa ospital magmula ng mayroon nang mag-match na bone marrow donors para kay Kyros. Naaawa man ang mag-asawa sa pinagdaraanan ng kanilang anak ay nananampalataya pa rin sila na hindi sila pababayaan ng Diyos.“Your child will be in a much worse condition if you do not seek medical treatment for him,” sabi ni Xander para palakasin ang loob nina Marco at Kara.“We will keep that in mind,” tugon ni Marco.Inihatid ni Xander ang pamilya sa hospital lobby dahil na-discharged na si Kyros matapos ang therapy ng bata.Pagdating nila sa bahay, naunang bumaba si Marco para kuhanin ang anak na nakaupo sa car seat habang sumunod naman si Kara ngunit napahawak ang babae sa pinto ng SUV dahil bigla na lamang umikot ang paningin niya.“Marco!” napasigaw siya sa takot.Tumutunog kasi ang tainga niya at saka umiikot ang paligid niya.Napasilip si Marco sa kabilang side ng SUV. Nang makita ang hitsura ng misis ay mabilis niyang ipinasa ang anak kay Emi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status