Lumabas si Lola at ang dalawang katulong para salubungin kami. Ngunit nang makita niyang buhat-buhat ko si Liza ay napasinghap."Primo? Ano'ng nangya—" "She's fine, Lola. Nakatulog lang." Agap kong sagot nang makitang tatakbo na siya palapit sa amin. Lumabas din ng bahay si Mommy at Daddy. Kumunot ang mga noo nila, nagtataka kung bakit buhat-buhat ko si Liza. "She's fine. Nakatulog lang." Inulit ko lang ang sinabi ko kay Lola. Lumapit si My para silipin si Liza. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Are you sure? She looks pale." "Wen," lumapit din si Dad at saka hinawakan sa braso si Mommy. "Hayaan mo munang maiakyat ni Primo si Liza sa taas. Baka napagod lang dahil maagang bumyahe.""O-okay. Please, take care of her."I will. Hinayaan nila akong makadaan. Dumiretso ako sa hagdan at sumunod naman ang batang katulong. Sila Mommy, Daddy, Tita Lian, Tito Aiden, at Nexon ay nanatili sa baba at sinundan na lang kami ng tingin. Binuksan ng katulong ang pinto ng kuwarto nami
Last Updated : 2025-09-04 Read more