Ilang minuto pa ang lumipas, katulad kahapon ay muling bumuhos ang malakas na ulan. Sabay na napatingin ang dalawa sa may bintana."Umuulan pa rin ngayong gabi," sabi ni Zayden. Hindi umimik ang kasama niya kaya nilingon niya ito. "Natatakot ka ba?""Hindi," mahinang tugon ni Czarina. Tumitig ang lalaki kay Czarina. Nakayuko lang ang babae at medyo nawala sa mood. Hindi mabasa ni Zayden ang reaksyong nakuha niya kaya naman magsasalita na sana siyang muli nang tumunog ang phone niya.Tumatawag si Chloe.Tinignan niya ang screen ng cellphone niya, bumuntong-hininga, at nagpaalam kay Czarina."Alis muna ako," paalam nito.Napatingin si Czarina sa cellphone ni Zayden na nagri-ring pa rin. Dahan-dahan itong tumango at tipid na ngumiti."Okay," kalmadong sabi niya.Hindi niya man nakita kung sino ang caller ay alam na niya agad iyon. Si Chloe lang naman ang makakagawa no'n kay Zayden, isang ring pa lang ay nagpapaalam na ito sa kung sino man ang kasama niya.Gano'n kaimportante si Chloe sa
Terakhir Diperbarui : 2025-12-07 Baca selengkapnya