Nagsi-datingan na halos sa venue ang mga dadalo sa event. Nakabantay na rin sa labas ng hotel ang mga media at halos lahat ay hinihintay ang pagdating ng isa sa mga mahahalagang bisita sa gabing iyon, si Chairwoman Hart. Lahat ng dumadaan sa may entrance, at sa may red carpet, ay talagang mga tinitingalang babae sa industriya. "Nandiyan na si Chairwoman Hart!" sigaw ng isa sa kanila nang huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan na pamilyar sa mga naroon. Bumukas ang pintuan, wala pa mang lumalabas ay dire-diretso na ang pag-click ng camera at ng flash ng mga ito. Nakasuot ng green na silk dress ang matanda, may magandang detalye ang babang parte nito at ang ibabaw ay may mga disenyong mamahaling bato. Kumpleto rin ang accessories nito mula sa kwintas, hikaw, bracelet, at relo. She looks pretty elegant. Not too much but powerful. Ngumiti ito sa mga tao roon bago pumasok sa loob.Kabi-kabilaang bati ang sumalubong sa kanya pagpasok, at sa pinakaloob ay sinalubong siya ng
Terakhir Diperbarui : 2025-12-27 Baca selengkapnya