Bahagyang ngumiti si Kian ngunit seryoso ang tono ng pananalita.“Kung sakaling wala naman talaga kayong dalawa. Ngayon pa lang magsasabi na ako sa’yo na kapag natapos ang usapan ninyo, manliligaw ako. Pero kung sasabihin mong mahal mo siya, sabihin mo lang, para di ako makialam. Siyempre, magkaibigan tayo.”Tahimik si Justin. Hindi siya sumagot agad. Uminom siya ng beer, ngunit hindi maikubli ang tila nanlalamig na kamay sa hawak niyang baso.“Bro, gulo lang 'yang si Gab. Magugulo lang ang tahimik mong buhay. Masyadong pasaway. Maniwala ka, sobrang tigas ng ulo. Ikaw CEO ka, mahihirapan kang tiyak, ako ngang pulis nahihirapan siyang kontrolin,” aniya upang sirain ang loob ng kaibigan.“Well, willing akong magulo ang tahimik kong mundo. Iba ang dating sa akin ni Gab,” ani Kian na hindi niya nagustuhan.“Bro, kahit hindi ko type si Gab. Pero kaibigan na din ang turing ko sa kanya. Hindi ba at may ipapakasal sa’yo ang mga magulang mo? Baka naman masaktan lang siya,” aniya ng maalala ang
Terakhir Diperbarui : 2025-06-19 Baca selengkapnya