“Opo,” walang pag-aalinlangan ang sagot ni Justin.“Gabriela Belmonte, tinatanggap mo ba si Justin bilang iyong asawa, sa mata ng batas?”Huminga siya ng malalim, ngumiti ng bahagya.“Opo.”Napalitan sila ng singsing na yari sa ginto.“Sa bisa ng batas, idinedeklara ko kayong mag-asawa. Pwede mo ng halikan ang bride,” anunsyo ng nagkasal.Bahagyang nagkatinginan sina Gab at Justin. Walang halik sa labi, ngunit isang mabilis at mahinhing halik sa pisngi ni Gab ang ibinigay ni Justin. Nagpalakpakan ang mga saksi sa kanilng pag-iisang dibdib. Si Lola Mila, hindi napigilan ang pag-iyak sa tuwa.Matapos ang kasal ay nagsalo-salo ang pamilya sa masaganang tanghalian. Nakaupo siya sa tabi ni Justin, at si Lola Mila naman ay nasa harapan nila, parang may tinatago sa ilalim ng mesa.“Napakasaya kong makita ang aking apo na ikasal kaya may munting regalo ako bago ako sumalang sa surgery.”Itinaas nito ang envelope, kulay ginto ang gilid, at may naka-emboss na pangalan ng isang kilalang beach re
Last Updated : 2025-06-07 Read more