Tisay POVPuri ko si Kaiser sa kusina. Ang gaan niyang kasama roon. Magaling din magluto. Ako ang nagluto ng menudong baboy, habang siya ang sa adobong pusit na paborito pala niya.“Iniba ko ang mga menu talaga,” pag-aamin niya habang naglalagay na sa bowl ng nilutong niyang adobong pusit.“Kaya nga, ang alam ko kasi ay iba ang mga menu na binigay mo. Pinag-aralan ko pa nga kasi ang iba doon, hindi ko pa nata-try maluto. Pero, ayos na rin na iniba mo para makapag-try naman akong magluto ng iba,” pag-aamin ko sa kaniya.“Wow, effort pala. Nakakahiya na iniba ko pa ang menu. Ang totoo kasi niyan, mga paboritong pagkain ni Jamaica ang mga pina-ready ko. Siya dapat ang kasama ko rito, pero dahil kumalat ang video, tapos hindi pa siya umamin na siya iyon, nagsinungaling pa, wala, nag-decide ako na mag-isa na lang umalis. Tinuloy ko na ito kasi nahihiya rin ako kay Buknoy at Buchukoy, inisip ko, paraan ko na lang ito para makapag-relax,” sabi niya kaya napatango ako. “Mabuti na lang talaga
Terakhir Diperbarui : 2025-06-16 Baca selengkapnya