Tisay POVNag-half day lang ako sa cake shop ko, wala rin naman nang masyadong gagawin, nakatapos na ako ng sampung cake. Today, gusto ni Tahlia makipagkita, bonding na rin daw kaya nag-go na ako, minsan lang kasi mag-aya ang mayaman na iyon kaya mahirap tanggihan.Nasa loob kami ngayon ng isang café na mamahalin, ganito si Tahlia, dapat nasa mamahaling kainan kami, sosyal at ayaw sa tabi-tabi lang.Nung nasa isla Lalia pa kami, wala talaga kaming idea kung gaano siya kayaman, inaapi-api pa siya ng renya ng bruha doon, ayon, nagkaroon tuloy siya ng katapat.Malayong-malayo na rin si Tahlia ngayon, sobrang lucky namin na nakilala namin siya, kasi kung hindi dahil sa kaniya, wala, hindi namin mararating ang buhay na ito, lalo na ang Lux City.Naka-sunglasses siya habang umiinom ng iced Americano. Ako naman, hindi mapakali sa kinauupuan ko. Sa dami ng iniisip ko tungkol kay Kaiser, parang gusto kong sumigaw pero tahimik lang akong nakatitig sa kape ko.Lately kasi, nagiging busy na siya
Last Updated : 2025-07-05 Read more