Tisay POV“At dahil special ang araw ngayon, masuwerte ka pa rin, girl, dahil si Miss Jamaica Dela Vega na CEO ng J Cosmetics ang magme-makeup sa iyo,” sabi ng host ‘paglapit ko sa kaniya. “Anyway, anong pangalan mo, girl?” tanong pa ng baklang host.“Cristina po,” nahihiya ko pang sagot.“Okay, Cristina, tatanungin kita ulit, pumapayag ka bang magpa-makeup kay Miss Jamaica? Don’t worry, may nag-aabang na regalo sa iyo after nito,” tanong ng baklang host kaya dali-dali na akong tumango.“Yes, payag naman po,” nahihiya pa rin ako kasi lahat ng tao rito ay sa akin nakatingin.“Let’s go,” aya sa akin ni Jamaica. Ang bait ng boses niya at saka palangiti. Hindi mo makikita sa pagkatao niya na malandi at nangangabit siya kahit na may seryoso at poging-pogi siyang boyfriend.Nung lumapit ako sa kaniya, napa-wow ako. Grabe, manikang-manika ang mukha niya. Ang kutis, sobrang puti at tila kahit sugat o peklat ay wala, pantay ang kulay niya mula mukha, hanggang paa. Para siyang anghel na bumaba
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya