Tisay POVAyaw ko na sanang guluhin pa siya. Ayoko na sanang makipagkita. Pero kasi, ayaw tumigil ang isip at puso ko sa kakaintindi kung may pag-asa ba ako sa kaniya?Kaya gagawa ako ng paraan para magkaroon ng sagot sa tanong kong ito na kahapon pa paulit-ulit sa isip ko.Isang beses lang ito, kapag alam kong okay na ulit siya, okay, tama na agad, pero kapag alam kong broken pa rin siya, aba, kahit ako ang babae, magpi-first move na ako. Tutal, siya naman ang unang nang-istorbo, kumbaga, ako na lang ang magtutuloy. This time, ako naman ang lalapit sa kaniya.Kaya heto ako ngayon, dala ang paborito kong cheesecake, papunta sa bahay nina Buknoy at Buchukoy na malapit lang sa dagat. Tamang-tama, nakaka-miss na ring lumanghap ng hangin malapit sa dagat.Napatingin tuloy ako sa balat ko. Grabe, ang laki na rin pala ng improvement ng balat ko. Hindi na sunog, effective ang mga skin care na pinagamit sa akin ni Xamira.Pagkabukas ng gate nila, una kong nakita si Buknoy na naka-short lang a
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya