Kinabukasan, dumating ang umaga na tila walang pag-asa. Mula sa maagang liwanag na sumilip sa malalaking bintana ng mansion nila Louie at Klarise, makikitang gising na si Klarise—suot ang simpleng apron, magaan ang galaw ngunit mabigat ang puso.Tahimik ang buong bahay, ang tanging ingay ay mula sa kawaling hinahaplos ng kutsara, habang inihahanda niya ang almusal. Bacon, itlog, sinangag, at freshly squeezed orange juice—lahat paborito ni Louie. Wala siyang inalis sa nakagawiang routine, kahit pa ilang araw nang tila hindi siya nakikita ng sariling asawa.Pinilit ni Klarise na ngumiti habang inaayos ang lamesa. Tinakpan niya ang pagkain upang hindi lumamig at sinigurong perpekto ang lahat. Lumapit siya sa pinto ng silid nila ni Louie at marahang kumatok.“Love, breakfast is ready…” mahinang tawag niya, halos pabulong.Walang tugon. Ilang sandali ang lumipas bago marinig ang mahinang kaluskos sa loob. Muli siyang bumalik sa dining area, naupo sa pinaka-dulo ng mesa, at naghintay.Makal
Last Updated : 2025-06-08 Read more