“Ang laki pa rin ng bahay niyo,” wika ni Klarise habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. “Hindi ko pa rin siya makasanayan kahit ilang beses na akong nakapunta rito.”Ngumiti si Louie. “Hindi na lang ito bahay, Klarise. Simula ngayon, tahanan na natin ’to. Lahat ng pintuan dito para sa ’yo, at higit sa lahat, para kay Luna.”Luminga-linga si Klarise. Nakatingin sa kisame, sa hagdan, sa mga kurtina—lahat pamilyar, pero ngayon, parang bago na ang lahat. “Para akong nangangarap,” mahina niyang sabi. “Parang kahapon lang, iyak ako nang iyak sa ospital... hindi ko alam kung kakayanin ko. Tapos ngayon, buo na tayo.”Dumantay ang baba ni Louie sa balikat niya habang si Luna’y nakadantay sa dibdib nito. “Akala mo lang yun,” bulong niya. “Kahit umiiyak ka noon, matapang ka pa rin. Klarise, hindi mo lang alam kung gaano kita hinangaan habang pinapanganak mo si Luna. Para kang reyna sa gitna ng digmaan.”Napatawa si Klarise sa gitna ng luha. “Ano ba ’yang description mo, para akong gladiato
Terakhir Diperbarui : 2025-05-15 Baca selengkapnya