"Si Marlo at Erlo na po ang tinutukoy ninyo, Nay," sabay tawa ni Elara habang sinilip ang tulog na kambal sa crib. "Nanganak na po ako, isang linggo na rin silang kasama namin ni JP dito."Napanganga si Nanay Esther sa gulat. "Ano?! Aba’t hindi niyo man lang kami na-update!" sabay buntong-hininga at pilit na ngiti. "Pero salamat naman at maayos kayo. Naku, sobrang mga napaka-pogi ng mga anak mo. Lalaki ba talaga iyang dalawa na 'yan?" "Pasensya na po talaga, Nay. Ang dami rin po kasing nangyari. Biglaan ‘yung lahat, tapos andito na rin kami sa Palawan," dagdag pa ni JP, halatang guilty.Natawa sina JP at Elara sa naging reaksyon ng mga ito nang makita sa camera sina Marlo at Erlo. "Opo, Nay, lalaki po silang dalawa.""Grabe naman, Ate, kambal pala ang anak mo," mangiyak-iyak na saad naman ni Thea. "Sana po ay nandiyan din kami para naman makasama at makita namin ang mga babies mo, Ate. Nakakagulat naman ang beauty nila." "Nako, salamat," natatawang sagot nito. "Kamusta na nga po pal
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya