Naging mahaba ang kanilang byahe, at sa buong byahe na iyon, parang alam naman ng kambal na hindi sila dapat maglikot o mag-ingay. Parati lang silang natutulog at tuwing umiiyak naman ay gutom o kailangan lang palitan ng diaper. Nang makarating na sila Elara sa states at maayos na ang lahat, agad rin silang bumaba ng eroplano sapagkat saktong gai na roon. “May pupuntahan ka na ba dito, Ella?” tanong ni Andrea habang inaayos ang gamit niya. “Oo, meron na bali kumuha ako ng bahay, bakit, Drae, ikaw ba?” balik na tanong nito sa kaniya. “Siniguro ko na kasi saka iyong business partner ko ay saktong binebenta rin ang bahay niya.” Bumuntong-hininga si Andrea at ngumiti ng may lungkot. “Well, wala pa. Pumunta lang ako rito at nagbakasakali ng kapalaran ko.” Walang plano itong si Andrea pagkadating niya sa states kasi ang talagang dahilan kung bakit siya rito pumunta ay hanapin na lang ang kaniyang kapalaran. “Sumama ka na lang saamin, Drae,” aya ni Elara. Biglang naluha si Andrea nang
Terakhir Diperbarui : 2025-11-02 Baca selengkapnya