Halos madaling araw nang natapos sa pag-aayos ng mga pangangailangan sa catering sina Elara, Thea, JP, at Rose. Pinipilit pa kagabi nina Elara at JP si Thea na umuwi at magpahinga dahil buwan na ng kaniyang kapanganakan, pero matigas pa rin ang ulo nito. Kaya ngayong umaga, kahit halos walang tulog, kailangang magpa-check-up ni Thea dahil bigla na lang sumakit ang tiyan niya. "Nasaan na si JP, Thea?" tanong ni Elara, bakas na ang pag-aalala sa mukha.Nasa sala na sila ngayon at inaabangan ang pagdating ni JP. Nakaupo si Thea sa mahabang upuan, bahagyang nakahilig at hawak-hawak ang ibaba ng tiyan niya. Hindi niya maitago ang sakit sa bawat galaw.Biglang nag-iba ang nararamdaman ni Thea. Kagabi ay humihilab lamang ang kaniyang tyan at hindi iyon gaanong masakit hindi kagaya ngayon na bigla na lang ang sakut na parang hindi na niya makayanan. Para siyang natatae na hindi niya maintindihan. "Tinawag niya si Mang Mario, Ate, makikiusap siya na ipagdrive kami," sagot ni Thea, nangingin
Terakhir Diperbarui : 2025-07-23 Baca selengkapnya