"Hi, Elara, magandang umaga!" Isang masiglang tinig ang narinig ni Elara. Bilog na bilog ang boses na ito at sobrang malalim, masarap pakinggan na parang huni lang din ng mga ibon. Nang lumingon si Elara, nakita niya si Martin, ang binatang anak ni Nanay Maria at Tatay Mario. "Uy, Martin, magandang umaga rin," pabalik na bati ni Elara saka huminto upang hintayin ang binata. "Ano ang ginagawa mo rito?" "May inihatid lang ako kay Nanay Esther na mga dahon ng saging saka sinabihan niya rin ako na samahan ka," sagot ni Martin nang makalapit na kay Elara. "Okay lang ba?" "Oo, naman syempre kaya lang baka nakakaistorbo ako," saad ni Elara at muli nang sinimulang maglakad. Si Martin ay kasing edad lang din ni Elara. Simula nang magkakilala sila ay naging matalik silang kaibigan na para bang may malalim na silang koneksyon simula palang."Hindi naman," natatawang tugon naman ni Martin saka napatingin sa malaking tyan ni Elara. "Malaki na iyang tyan mo, ah? Balita ko kay Nanay Esther mang
Terakhir Diperbarui : 2025-07-20 Baca selengkapnya