Sa loob ng kwarto nila ni Marco nang gabing iyon, nakahiga si Elara habang pinagmamasdan ang kisame. Tahimik, pero puno ng pag-iisip."Alam mo, mahal nagiging mabait si Lia," bulong niya kay Marco, na noo'y nakayakap sa kanya."Oo, napapansin ko rin. Minsan parag nakakapanibago, pero nakakagaan," sagot ng lalaki.Napangiti si Elara, bahagyang lumambot ang puso. “Nakakatuwang isipin. Kasi sa dami ng sakit na pinagdaanan natin, may parte sa akin na umaasang tuloy-tuloy na ‘to.”Hindi alam ni Elara kung pansamantala lang ang kapayapaang ito o isa nang simula ng mas tahimik na yugto sa buhay nila. Pero sa oras na iyon, pinili niyang tanggapin ang kabutihang ipinapakita ni Lia kahit may bahid ng pag-aalinlangan, kahit may tanong pa sa puso.Hindi niya alam na sa kabilang bahagi ng bahay, si Lia naman ay nakatingin sa salamin, pilit pinapawi ang emosyon. Alam niyang nakakapasok na siya sa buhay ni Elara. Isang hakbang na lang, at baka tuluyan na niyang makuha ang tiwalang kailangan niya bag
Terakhir Diperbarui : 2025-06-05 Baca selengkapnya