Naiwas ni Sereia ang kanyang mata. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Brian. Pakiramdam niya kapag nakikipagtitigan siya ay mababasa nito ang emosiyon sa kanyang mga mata."Kamusta ang pamumuhay mo sa ibang bansa? Hindi ba mahirap?" Pag-iba ni Sereia sa paksa ng kanilang usapan."Medyo, pero ngayon na nakauwi na ako. Hindi ko na maiisip ang puyat at pagod ko. Iba kasi ang way of living sa ibang bansa," ani ni Brian.Tumango si Sereia. "Kasama mo naman ang pinsan mo na lalaki di ba? Si Cody?""Oo, pero iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya mo. Pati na mga kaibigan mo. Lalo na ngayon, nakikita na kita," saad pa ni Brian.Tumikhim si Sereia. Hindi siya makasagot.Pait na ngumiti si Brian. "Sereia, totoo pala talaga na nagkahiwalay na kayo ni Adriel. Akala ko kasi ay wala ka ng balak na hiwalayan siya. You care a lot for him. Naalala ko pa rati, parati mo siya sinusundan kapag vacant time mo na.""Nagbabago ang tao, Brian," ani ni Sereia na hindi makatingin sa kausap."Right— b
Last Updated : 2025-10-16 Read more