"Good morning, Wifey!” masiglang bati ni Leon kay Lia. Napangiti si Lia nang makita ang nakangiting si Leon. “G-Good morning, husband. Maganda ang gising natin ngayon, ah?” “Of course! Sino ba naman ang hindi gaganda ang umaga kung ang magandang asawa ko ang bubungad sa akin? At saka, nakapagdilig kasi ako kagabi,” biro pa ni Leon. Namula bigla ang mga pisngi ni Lia.“Palaging maganda ang umaga ko basta ikaw ang kasama kong sasalubong sa haring araw, wifey." Niyakap ni Leon si Lia at hinalikan ito sa noo.“Sus, lakas talaga mambola. Professional bolero," pabiro namang wika ni Lia.Napakasaya nina Lia at Leon. Alam na nilang may nararamdaman na sila sa isa’t-isa at hindi lang dahil sa isang kontrata ang ugnayang mayroon sila. Ngayon ay pinagbubuklod na sila ng pagmamahal. “Lia,” seryosong wika ni Leon. Agad namang kinabahan si Lia. “Ano ‘yon?” Bumuntong hininga si Leon at hinawakan ang kamay ni Lia. “May nais akong aminin sa iyo at sana ay pakinggan mo muna ako bago ka magsalita.
Last Updated : 2025-07-26 Read more