"Anak, patawarin mo kami pero wala kaming magagawa para tulungan ka. Itatakwil din kami ng lola mo kapag tinulungan ka namin. Anak, bakit mo kasi nagawa ‘yon? Hindi mo dapat kinalaban ang lola mo. Mabait siya pero sobrang nakakatakot siya kung magalit. Patawarin mo kami, anak pero hindi ka namin matutulungan,” umiiyak na sabi ni Guada. "Kung nabubuhay lang sana ang Lola Frida mo, ang totoong ina ng Uncle Leon at Papa Rolly mo eh 'di sana, hindi natin kailangang magtiis sa kamay at pamumuno ng Lola Rehina niyo." Tuluyan nang pumatak ang luha ni Owen, gano'n din ang kay Kiana. Wala na silang pag-asa. Wala ng tutulong sa kanila! “Papa…” umiiyak na tawag ni Owen. "I'm sorry, anak, pero hanggang dito na lang ang pag-to-tolerate namin sa'yo. Magulang mo kami kaya kami dapat ang nagtuturo sa'yo kung ano ang tama at mali. Patawarin mo kami, anak. We failed you. We failed as your parents. Kasalanan namin ito. Hindi ka namin napalaki ng maayos. Tama ang uncle mo. Isa kami ng mama mo sa dah
Last Updated : 2025-07-28 Read more