NAKADAPA si Vanna sa kama, balot ng kumot ang kanyang katawan. Gising na si Zander at nakangiting pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok ng asawa. Pinaglandas niya ang mga daliri sa nakalantad na likod ni Vanna. "Sht!"* napamura siya sa isip nang kumislot ang kanyang pagkalalaki. Napailing siya, pero napangiti rin. Para bang hindi siya napagod, mas lalo pa siyang nagkaroon ng lakas dahil sa asawa. Simula kahapon, mula nang tanggapin siya ng buong pamilya nito, parang nagkaroon siya ng bagong sigla. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Baka mabuntis niya si Vanna sa hindi pa tamang panahon. Nangako siyang magtatapos muna ito ng pag-aaral at tutuparin niya iyon. Susubukan niyang kontrolin ang sarili kapag magkalapit sila ni Vanna. Umaga, habang inilalagay ni Zander ang kanyang gamit sa loob ng sasakyan para pumasok sa trabaho. "Mag-iingat ka sa pagda-drive. Dahan-dahan lang at dapat ang mga mata mo nasa daan lang," paalala ni Vanna sa asawa. "Yes po. 'Wag kang mag-alala, love.
PARANG musika sa pandinig ni Zander ang bawat salitang iyon. Ngayon lang niya naringgan ang asawa na gusto nitong maramdamdan siya. "You’re not getting any sleep tonight, love," babalang niya habang hinuhub*d ang polo. Mabilis ang tibok ng dibdib niya sa tindi ng pagnanasa. Ang mga mata niya'y nanunuot sa bawat galaw ng mata ni Vanna, na tahimik lang na nakatitig sa katawan niya. Lumapit si Zander sa nakahigang asawa habang magkahinang ang kanilang mga mata. Walang kumukurap, walang gustong bumitaw. At hinub*d ang natitirang saplot. At maingat na pinatungan si Vanna. Saka, madiin at sobrang mapusok niyang hinalikan sa labi ito. Parang may kuryente silang naramdaman habang magkalapat ang mga labi nila. Gumanti naman si Vanna ng halik, sabay sabunot sa buhok ni Zander habang hinahatak ito palapit sa katawan niya. Ramdam na ramdam niya ang pagkalal*ki nito na kumikisk*s sa kanyang pagkab*bae. Hinila ni Zander pataas ang white dress ni Vanna. Kusang itinaas niya ang mga kamay para tul
NAPUNO ng kaligayahan ang buong gabi ng mag-asawa. Pabalik na sila sa Manila, sa kanilang tirahan. Ipinaubaya na si Vanna ng kanyang pamilya kay Zander at labis ang tuwa ng mga magulang nito para sa kanya. Hawak ni Zander ang kamay ng kanyang asawa habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Gusto niyang haplusin ang daliri ni Vanna na suot ang engagement ring na ibinigay niya. “Ito ang pinakamasayang sandali sa buhay ko,” bulong ni Zander, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Alam mo ba, Vanna? Para akong nananaginip. Tanggap na ako ng pamilya mo at ikaw, asawa na talaga kita para sa kanila.” Ngumiti si Vanna at marahang pinisil ang kamay ng asawa. “Kung panaginip man ‘to, ayokong magising. Zander, salamat kasi hindi mo ako sinukuan… at minahal mo ako nang ganito.” Napatingin sandali si Zander sa kanya at ngumiti. “Ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buhay ko. At hindi na kita bibitawan, kahit kailan.” Napahilig si Vanna sa balikat ng asawa. “Hindi mo rin naman
HINILA ni Zander si Vanna sa gitna ng malawak na garden. Malawak ang kanyang ngiti sa asawa habang nakatayo sa harapan nito. Ramdam niya ang kalituhan ni Vanna. Tila mayroong naglalaro sa isip nito pero hindi masabi kung ano. "Zander, bakit dito tayo?" tanong ni Vanna, bahagyang naguguluhan pa rin pero nakangiti habang hinahaplos ang mga bulaklak na nadaanan nila. Ngumiti si Zander at dahan-dahang inabot ang kamay niya. "Kasi… dito ko gustong sabihin ang totoo kong nararamdaman at ang matagal ko nang gusto sanang gawin." Napakunot ang noo ni Vanna. "Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Zander, saka marahang bumitaw sa kamay niya at humakbang palayo ng kaunti. Nang humarap siya muli, may hawak na siyang maliit na kahon sa bulsa. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ni Vanna. "Vanna…" tumingin siya ng diretso sa mga mata nito, bakas ang emosyon at paninindigan. "Oo, kasal na tayo sa papel… pero hindi pa ako nakahingi ng pormal na sagot sa puso mo." Napaawang ang l
"OKAY, everything’s fine now! So… let’s talk about their church wedding," sabat ni Dewei na may ngiti. Napatingin sa kanya ang lahat, tila nagtataka sa bigla niyang pagsingit. "Bakit? Hindi ba ito rin ang dahilan kung bakit natin ipinatawag si Zander dito sa bahay? At saka kumpleto tayo ngayon. Of course, I want them to be married in the church. Hindi puwedeng civil lang, dapat kumpleto ang blessing." Napangiti si Papa Vener sa narinig. “’Yan ang gusto kong marinig, Dewei. Maganda nga na sa simbahan sila ikasal para kumpleto ang basbas ng Diyos at ng pamilya.” Tumango ito at tumingin kay Zander. “Handa ka ba ro’n, Zander? Kaya mo bang paghandaan ’yon?” Medyo nagulat si Zander pero mabilis na tumango. “Opo, Papa Venee. Kung ’yan po ang nais ninyo, pag-uusapan namin ni Vanna at paghahandaan namin nang maayos.” Sabay tingin niya sa asawa na bahagyang ngumiti, tila natutuwa at nabunutan ng kaba. Pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin ang mga magulang. Napatango ang Papa niya. "Kami ay
TINAPUNAN ng malungkot na tingin ni Vanna si Zander. Tumango naman sa kanya ang kanyang asawa at ngumiti. Pilit na ngumiti si Vanna. Saka muling bumaling ng tingin sa kanyang pamilya. Magsasalita na sana siya pero inunahan siya ni Zander. "Ako na po ang magpapaliwanag sa inyo bilang asawa ni Vanna. Nahihirapan na po akong tignan siya. Wala po siyang intensyon na saktan kayo. Kung nakuha niya pong ilihim ang pagpapakasal namin sa inyo..." lakas-loob na sagip ni Zander sa asawa. Kita niya sa mga mata nito na nahihirapan na itong magsalita. Halata ni Zander ang takot at pangamba sa mukha ni Vanna, kaya lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito. "Z-Zander..." nausal ni Vanna. Napalingon ang niya sa kanya. "Dahil natakot lang po siya. Tinatakot po siya ng isang maimpluwensyang tao. At para makaligtas sa pagbabanta at pananakot sa kanya ay naisip niya na magpakasal sa akin. Baka sakali na lulubayan na siya. Mahal na mahal ni Vanna ang pamilya niya na ayaw niyang pati kayo ay maaba