Seven years later... Malamig ang simoy ng hangin habang papasok ako sa ospital. Bitbit ko ang aking stethoscope, suot ang puting uniform, at habang lumalakad sa makinis na sahig ng Florence Medical Center, napangiti ako sa sarili ko. Hindi ko akalaing makakarating ako rito. Pitong taon. Pitong taon ng pananahimik, ng pagpapakatatag, ng tahimik na pagbubuo ng sarili. Kung noong una, gusto ko lang makatakas—ngayon, natutunan ko na ring harapin ang buhay. Unti-unti kong pinulot ang mga piraso ng pagkatao kong winasak ng nakaraan. Nakagraduate ako bilang nurse sa tulong nina Mommy Celeste at Daddy Chester. Kahit wala akong pasabi noon, hindi nila ako pinabayaan. Sila ang tahimik na haligi sa mga panahong ayoko nang mabuhay pa. Hindi nila ako kinulit. Hindi nila ako hinatulan. They simply loved me, even from afar. Ngayon, narito ako sa Florence. Namumuhay ng tahimik. Isang registered nurse. May maayos na apartment, may magandang trabaho, at higit sa lahat—may dalawang anak na anim na t
Terakhir Diperbarui : 2025-05-13 Baca selengkapnya