Se connecter"Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile.
"Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila. "Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya. Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala. Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!" "Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Ego habang nakatingin sa akin. "Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne Rios dahil alam ninyong mangyayari ito? At ako ang nilagay ninyo sa sitwasyong ito dahil wala naman kayong pakialam kung mamatay man ako o hindi!" Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig— sa takot ba o sa galit. Mas lalo lang akong nainis nang wala akong matanggap na sagot mula kay Ego. Tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ko. Walang pagdadalawang-isip kong pinunit ang suot kong off-shoulder wedding dress. Wala akong pakialam kung naka-panty at bra lang ako sa harapan nilang lahat. Nakita ko namang umiwas silang lahat ng tingin sa akin maliban kay Ego na nakatuon pa rin sa akin ang atensyon. Hinagis ko sa harapan ni Ego ang wedding dress. "Sa iyo na iyan! Pauwiin mo na ang nanay ko at kunin mo na ang lahat ng binigay mo sa amin! Mahal ko pa ang buhay ko! Kailangan ko pang mabuhay para sa pamilya ko!" Tinalikuran ko na siya at handa na sanang lumayo nang biglang may naglagay ng coat sa akin dahilan para matakpan ang katawan ko. Nang lumingon ako ay nakita ko ang seryosong mukha ni Ego. "Hawak nila si Roxanne..." Napaharap naman ako sa kanya sa nakakunot kong noo. "Sinong nila?" "Skeleton, ang mortal na kaaway ng Lucky Nine," dagdag niya pa. Mula sa kung saan ay binalik niya ang tingin sa akin. "Isang mafia organization ang Lucky Nine at ako ang namumuno nito." Mafia... Totoo pala ang mga ganoon? Ibig sabihin ay nasa delikado akong sitwasyon. "Isang simpleng mansyon lang ang bahay kong ito pero ito ang nagsisilbing hideout namin. Ligtas ang lugar na ito sa kahit na anong panganib. Fully secured at hindi basta-basta mapapasok ng kalaban," paliwanag pa ni Ego. "May isa pa akong bahay na pinatayo at iyon ang pangarap na bahay ni Roxanne at doon ko siya huling nakita— walang bakas, walang natirang ebedensya, kaya hirap kaming hanapin siya. Isang buwan na siyang nawawala at wala pang may tumawag sa amin para gamitin siyang blackmail sa amin." "Kung walang ebedensya, bakit parang sigurado kayong hawak siya ng iskeleton?" kuryoso kong tanong. "Skeleton," pag-uulit niya sa sinabi ko na para bang tinatama ako. Tsk, parehas lang naman iyon. "Kaya ka nandito para lumabas sila." Napataas ang kilay ko dahil hindi ko nakuha kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon. Lumingon sa gilid si Ego kaya sinundan ko iyon ng tingin. Biglang nilagay ni Marcelo ang laptop niya sa mesa ni Ego— siya iyong laging may dalang laptop at nakasuot ng salamin sa mata. May pinakita siya na para bang listahan. "Ito ang lahat ng kaaway ng Lucky Nine. Lahat iyan sila ay under surveillance." Biglang may mga lumitaw na videos sa laptop at base sa nakikita ko ay nasa iba't ibang bansa iyon. Ang galing naman! "Wala kaming ibang alam na rason sa pagkawala ni Roxanne kung hindi ang dinukot siya ng isa sa mga kalaban naming mafia organization," dagdag pa ni Ego. "Kung sakaling tama kami ng hinala, lalabas ang tunay na kalaban kapag nakita nilang kasama ko naman siya, which is ikaw. Magtataka sila bakit nasa mabuti kang kalagayan gayong hawak naman nila ang alam nilang tunay na Roxanne Rios. Wala silang choice kung hindi sila mismo ang umalam kung sino ka." "Kaya ka magpapanggap na siya para ipakita sa kalaban na ikaw ang tunay na Roxanne Rios," dagdag pa ni Xavier— sa pagkakatanda ko ay isa siyang model. "Kaya ka rin tinuturuan ni Abigaile paano maging siya ay para makumbinsi ang kalaban na hindi si Miss Roxanne ang hawak nila." "At tama nga kami ng kalkula dahil kinagat nila ang pain kanina," sabi pa ni Zandro— may ari siya ng isang wine factory. "Nagpakita sila." "Dahil doon ay magkakaroon na tayo ng lead," saad naman ni Marcelo habang nakatingin sa laptop niya. "Puno ng surveillance camera ang reception kanina at ilang oras lang ay makakakita na ako ng butas." Nag-usap-usap na sila habang nakapalibot na kay Marcelo. Napangisi ako. "Kinagat nila ang pain? At ako ang ginawa ninyong pain? Nilagay ninyo sa alanganin ang buhay ko na hindi ko man lang alam ang lahat? Pinapirma ninyo ako ng kontrata kasi alam ninyong mauuto ninyo ako gamit ang pera ninyo?" Natahimik silang lahat. Napayuko ako sa sahig at nararamdaman ko na ang pag-init ng mga mata ko at ilang saglit lang ay napaluha na ako. "Ganoon ba ang tingin ninyong may pera sa mga tulad kong may miserableng buhay? Tingin ba ninyo sa akin isang bagay na pwedeng gamitin at pagkatapos ano? Kung namatay ako kanina, ano? Anong gagawin ninyo!" Lumapit sa akin si Abigaile para pakalmahin ako. Ilang saglit ay may inilahad siyang papel. Tinanggap ko naman iyon at tiningnan. Napakunot ang noo ko dahil wala akong maintindihan. Umatras nga yata mga luha ko. "Kanina lang kita nakuhanan ng buhok for DNA testing at match kayo ni Miss Roxanne ng 99.99%," dagdag pa ni Abigaile. "Hindi naman kasi aksidente lang na magkamukha kayo, kaya nagpagawa kami ng DNA testing. At oo, kambal kayong dalawa." "We're protecting you like we're protecting Miss Roxanne," saad pa ni Francis— sa pagkakaalala ko ay may ari siya ng isang car company. "Dahil matagal ng pangarap ni Roxanne ang magkaroon ng kapatid..." dagdag na sabi ni Ego. "Kaya palitan natin ang mga kondisyon sa contract marriage natin." Ako? Napatulala na lang ako sa hawak kong papel. Paanong nagkaroon ako ng kambal? Kaya ba bigla na lang nag-iba ang trato sa akin ni Ego? Kasi kapatid ako ng babaeng mahal niya? Nilingon ko si Jander na ngayon ay nakaupo na at nakatingin sa akin. "Alam ko na ang gusto kong idagdag na kondisyon."Akala ko malamig lang ang Moscow. Hindi pala. Dahil kasing lupit ito ng buhay ko. Ang lamig niya ay parang nanunuksong pumasok sa buto ko. Parang binubura pati ang mga alaala mong gusto mong itago.Ang sabi ni Ego, ito raw ang second stop ng honeymoon— planado lahat ni Roxy Rios bago siya nawala. Pero habang tinitingnan ko ang itinerary na hawak ni Abigaile, parang hindi honeymoon ang pupuntahan ko.Parang hunting ground.“Welcome to Moscow,” sabi ni Marcus habang binubuksan ang pinto ng black Benz.Humugot ako ng malalim na hinga. Puting usok ang lumabas sa bibig ko. Kung nasa ibang pagkakataon lang ay matutuwa ako nito. Pero parang bawal na rin yata akong ngumiti.“Hindi ko akalaing makikita ko ito sa personal,” sabi ko na parang mismo sa sarili ko sinasabi. “The Red Square, parang painting lang.”Tumingin si Ego sa akin. Suot ang itim niyang coat, scarf na nakapalibot sa leeg niya, at ang karaniwang expression niyang parang ayaw niyang umamin na tao siya. “It’s not a painting,” sab
Hindi na naalis sa isip ko ang ngiting iyon. Ang ngiti ng babaeng nakasuot ng belo. Iyong ngiti na para bang akin.Bakit ganoon?Bakit sa dinami-rami ng tao sa Taj Mahal kanina ay may babaeng mag-aaksaya ng oras para titigan ako at sabay ngumiti ng ganoon? Na parang kilala niya kung sino talaga ako?Pagbalik namin sa sasakyan ay tahimik lang si Ego.Pero ang kamay niya, halos puputok na ang ugat sa higpit ng kapit niya sa manibela.Walang nagsasalita.Walang tinginan.Walang paliwanag.Ni hindi siya lumingon sa akin kahit isang beses.“Ego...”Wala siyang sagot.“Ego, sino ang mga iyon? Sila ba talaga ang mga Skeleton?”“Hindi mo na kailangang malaman.” Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. Parang baka kapag nagsalita pa siya ay sasabog ang buong mundo.“Hindi mo na kailangang malaman,” ginaya ko siya sa tonong nang-aasar. “Puro na lang iyan ang sinasabi mo. Kailan mo ba ako kakausapin nang matino?”Bigla siyang tumingin. Ang mga mata niya ay matalim na parang kutsilyong tumama s
Pangalawang beses ko na iyong muntik mamatay.Una ay sa kasal namin. Ngayon ay dito naman sa India.Sa loob lang ng ilang araw nakilala ko si Diego Buencarlos, nasanay na akong tumakbo, magtago, at magpanggap na kalmado kahit gusto ko nang sumigaw.Pero ngayong nakaligtas kami sa pagsabog sa Buencarlos Grand Hotel, ramdam ko pa rin ang lagkit ng usok sa balat ko.Ramdam ko pa rin iyong amoy ng gunpowder at iyong boses niya sa tenga ko, 'Behind me, Roxy.'Ilang oras kaming nagbyahe palabas ng Agra gamit ang black SUV na minamaneho ni Marcus.Tahimik si Ego sa buong biyahe. Habang ako naman ay nakasandal sa bintana at nakatingin sa dilim ng kalsada.“Walang makakaalam ng nangyari,” sabi niya sa wakas. “I ordered Jander to clean everything up. No press, no witnesses, no trace.”“Ganoon lang?” tanong ko. “Walang magtatanong kung bakit may sumabog sa hotel?”Tumitig siya sa akin, malamig pero matatag. “Hindi pwede magkaroon ng ingay. The Skeletons feed on attention.”“Paano kung bumalik si
Mainit ang gabi sa India. Mabango ang hangin, puno ng insenso at mga bulaklak galing sa mga altar sa labas. Pero sa loob ng Buencarlos Grand Hotel suite— puro lamig at katahimikan.Tahimik siya.Tahimik rin ako.At sa pagitan naming dalawa ay may mga salitang hindi pwedeng sabihin, dahil baka mas masakit pa kaysa sa bala.Napakakumplikado rin niyang tao. Bukod sa ang hirap niyang basahin ay para bang may nakapalibot sa kanyang itim na awra. Nakakatakot pala talaga ang mga mafia.At ako?Ako si Roxy Bustamante. Ang kapalit. Ang anino.Ang babaeng tinuruan ng buhay kung paano magbenta ng katawan para lang mabuhay.“Tumigil ka sa kakatingin,” malamig niyang sabi habang iniinom ang alak sa hawak niyang wine glass sa balcony.“Tinitingnan mo ako para magbasa ng reaksyon? Hindi mo ‘yan makukuha, Bustamante.”Napataas ang kilay ko. Bustamante talaga?Ahh, hindi niya ako matawag-tawag na Roxy na dahil pangalan din pala iyon ng kambal ko. Tsk.Napayuko ako. “Hindi ko naman sinusubukang magbasa
Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi."Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa."She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa
Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga p







