เข้าสู่ระบบ"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.
Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios. Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko. Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?" Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi. "Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap kahit ayaw ko. Huwag mong kakalimutan na nandidiri ako sa iyo." Ang sarap sikuhin ng gago na ito. Ngumiti na lang ako kaysa sa magpaapekto sa mga masasakit niyang salita. Napaisip ako bigla— parang iba iyong dating sa akin sa sinabi niyang marami raw ang nakamasid sa kanya. Ano nga kaya talaga ang rason kung bakit wala rito si Roxanne Rios? Tapos gagastos ng malaking halaga si Ego para lang magpanggap akong asawa niya— may nililihim sila at sigurado ako sa bagay na iyon. Kung ano man iyon ay gagawa ako ng paraan para malaman iyon. Dahil una at higit sa lahat— gusto kong makilala pa at makita sa personal si Roxanne Rios. Matapos ang kainan sa reception ay pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko at nangangalay rin ang panga ko kakangiti kanina. Mabuti na lang at may suot akong maliit na earpiece— kung saan konektado iyon kay Abigaile. Sa bawat may bisitang lalapit sa akin ay kaagad iyong pinapakilala ni Abigaile sa akin at kung ano pang dapat na gawin para mas epektibo ang pagpapanggap. Kasalukuyan akong nasa isang pribadong kwarto na bahagi pa rin ng reception. Nakahiga ako sa kama at pagod na pagod. Umupo ako ulit at itinaas ang laylayan ng wedding dress dahil huhubarin ko ang suot kong heels— pakiramdam ko ay namamaga na ang talampakan ko. Nasa ganoon akong ayos nang biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon si Ego. Kaagad na bumaba ang tingin niya sa dibdib ko hanggang sa bumaba iyon papunta sa mga hita ko. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatayo. Dahil na rin sa natanggal ko na ang isang heel ay nawalan ako ng balanse. Akala ko ay didiretso ako ng landing sa sahig pero kaagad nahila ni Ego ang kamay ko. Ang siste ay magkadikit na ang mga dibdib namin at naamoy ko na rin ang mabango niyang hininga. Ilang segundo kaming nagtitigan. Hindi ko mabasa ang ipinapahiwatig ng mga mata niya. Parang— "Nakahanda na ang sasakyan." Bigla na lang lumitaw si Jander nang hindi ko namamalayan. O baka naman masyado lang nakatuon ang atensyon ko kay Ego? Bigla akong binitiwan ni Ego kaya ang lakas ng pagkabagsak ko sa sahig. "S-Sinabi ko naman sa iyon na ayaw kong may makitang gasgas diyan sa gown! H-Huwag kasing tatanga-tanga!" Pagkatapos niyon ay basta na lang siyang lumabas habang ako ay napahawak sa pwet ko— ang lakas ng pagkakabagsak ko. Tinulungan naman akong tumayo ni Jander— siya ang sumunod sa ranggo ni Ego sa grupo nilang Lucky Nine. Hindi ko nga ang alam kung anong klaseng grupo sila. Iyong mga nakasama ko sa loob ng van noong unang nagkita kami ay iyon din ang mga miyembro ng Lucky Nine. Si Jander Van Rocuerto ang tumatayong abogado ng grupo nila— kaya siya rin ang gumawa ng kontrata at ang nagpaliwanag sa akin ng lahat. At sa kanilang lahat, siya lang itong medyo nakakausap ko nang maayos. Pero ngayong kaharap ko siya ay parang iba ang dating ng awra niya. Tinulungan niya akong ayusin ang laylayan ng wedding dress. Habang ginagawa iyon ay nagsalita siya. "May idadagdag ako sa mga kondisyon, bilang kapalit ay pwede ka ring magdagdag ng gusto mong kondisyon." Nang matapos siya sa ginagawa ay hinarap niya ako sa seryoso niyang mga mata. Hindi ko mapigilang hindi kabahan. Pero sa totoo lang ay ngayon ko lang siya natitigan nang ganito. May ibubuga rin naman siya kung mukha ang pag-uusapan. Mas gentleman siya kaysa kay Ego. "A-Anong kondisyon?" tanong ko at pilit na kinakalma ang puso kong kanina pa ang lakas ng tibok. Bakit parang ayaw kong marinig ang kondisyon na sinasabi niya? "Ikaw muna," tipid niyang sagot. Saglit akong napaisip. Ano pa ba ang kailangan ko? Huminga ako nang malalim. "Wala pa akong maisip sa ngayon. Saka na lang kapag alam ko na ang isasagot." "Sige..." tipid niyang sagot habang naglalakad papunta sa pintuan. "Ang idadagdag kong kondisyon ay huwag mong hayaan ang sarili mong mapalapit kay Ego." Ano raw? Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa likod niya. Hinawakan niya ang seradura bago ako nilingon ulit. "Mahal na mahal ni Ego si Roxanne Rios at marahil sobra niya itong nami-miss. Hindi maiiwasan na kapag titingin siya sa iyo ay nakikita niya si Roxanne. Huwag mong isipin na gumagaan na ang loob niya sa iyo. Kita mo naman kung gaano ka niya hindi kagusto. Nadadala lang siya sa pagka-miss niya kay Roxanne kaya marahil minsan ay nag-iiba ang trato niya sa iyo. Kapag hinayaan mong mapalapit ka sa kanya at mahulog ka, ikaw lang din ang masasaktan." Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Oo at napopogian ako kay Ego. Pero sa ugaling mayroon siya at sa trato niya sa akin— imposible akong magkagusto sa kanya. "Kapag nilabag mo ang kondisyon na iyan..." dagdag niya pa. "Hindi mo makukuha ang ipinangako niyang higit pa sa sampung bilyon." Nanlaki ang mga mata ko. Sa tingin niya ba ay magugustuhan ko ang animal na iyon? Bago pa ako makapagsalita ay binuksan niya na ang pinto. Isang putok ang umalingawngaw na nagpabingi sa akin. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng katawan ni Jander sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagkalat ang dugo sa sahig habang namimilipit siya sa sakit. Sumigaw ako pero kahit sarili kong boses ay hindi ko marinig. Nanginginig ang mga kamay ko at sinubukan kong lapitan si Jander. Nangangatog ang mga tuhod ko na para bang nakapako na ako sa kinatatayuan ko. Pero nagulat ako nang kaagad siyang may dinukot na baril sa kung saang parte ng katawan o damit niya. Tumingala siya sa akin at sumisigaw pero hindi ko marinig. Nakatulala lang ako sa kanya habang nag-umpisa na rin siyang magpaputok. Sino ba ang bumaril sa kanya at bakit may dala rin siyang baril? Santisima! Ano ba itong gulong pinasok ko!Akala ko malamig lang ang Moscow. Hindi pala. Dahil kasing lupit ito ng buhay ko. Ang lamig niya ay parang nanunuksong pumasok sa buto ko. Parang binubura pati ang mga alaala mong gusto mong itago.Ang sabi ni Ego, ito raw ang second stop ng honeymoon— planado lahat ni Roxy Rios bago siya nawala. Pero habang tinitingnan ko ang itinerary na hawak ni Abigaile, parang hindi honeymoon ang pupuntahan ko.Parang hunting ground.“Welcome to Moscow,” sabi ni Marcus habang binubuksan ang pinto ng black Benz.Humugot ako ng malalim na hinga. Puting usok ang lumabas sa bibig ko. Kung nasa ibang pagkakataon lang ay matutuwa ako nito. Pero parang bawal na rin yata akong ngumiti.“Hindi ko akalaing makikita ko ito sa personal,” sabi ko na parang mismo sa sarili ko sinasabi. “The Red Square, parang painting lang.”Tumingin si Ego sa akin. Suot ang itim niyang coat, scarf na nakapalibot sa leeg niya, at ang karaniwang expression niyang parang ayaw niyang umamin na tao siya. “It’s not a painting,” sab
Hindi na naalis sa isip ko ang ngiting iyon. Ang ngiti ng babaeng nakasuot ng belo. Iyong ngiti na para bang akin.Bakit ganoon?Bakit sa dinami-rami ng tao sa Taj Mahal kanina ay may babaeng mag-aaksaya ng oras para titigan ako at sabay ngumiti ng ganoon? Na parang kilala niya kung sino talaga ako?Pagbalik namin sa sasakyan ay tahimik lang si Ego.Pero ang kamay niya, halos puputok na ang ugat sa higpit ng kapit niya sa manibela.Walang nagsasalita.Walang tinginan.Walang paliwanag.Ni hindi siya lumingon sa akin kahit isang beses.“Ego...”Wala siyang sagot.“Ego, sino ang mga iyon? Sila ba talaga ang mga Skeleton?”“Hindi mo na kailangang malaman.” Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. Parang baka kapag nagsalita pa siya ay sasabog ang buong mundo.“Hindi mo na kailangang malaman,” ginaya ko siya sa tonong nang-aasar. “Puro na lang iyan ang sinasabi mo. Kailan mo ba ako kakausapin nang matino?”Bigla siyang tumingin. Ang mga mata niya ay matalim na parang kutsilyong tumama s
Pangalawang beses ko na iyong muntik mamatay.Una ay sa kasal namin. Ngayon ay dito naman sa India.Sa loob lang ng ilang araw nakilala ko si Diego Buencarlos, nasanay na akong tumakbo, magtago, at magpanggap na kalmado kahit gusto ko nang sumigaw.Pero ngayong nakaligtas kami sa pagsabog sa Buencarlos Grand Hotel, ramdam ko pa rin ang lagkit ng usok sa balat ko.Ramdam ko pa rin iyong amoy ng gunpowder at iyong boses niya sa tenga ko, 'Behind me, Roxy.'Ilang oras kaming nagbyahe palabas ng Agra gamit ang black SUV na minamaneho ni Marcus.Tahimik si Ego sa buong biyahe. Habang ako naman ay nakasandal sa bintana at nakatingin sa dilim ng kalsada.“Walang makakaalam ng nangyari,” sabi niya sa wakas. “I ordered Jander to clean everything up. No press, no witnesses, no trace.”“Ganoon lang?” tanong ko. “Walang magtatanong kung bakit may sumabog sa hotel?”Tumitig siya sa akin, malamig pero matatag. “Hindi pwede magkaroon ng ingay. The Skeletons feed on attention.”“Paano kung bumalik si
Mainit ang gabi sa India. Mabango ang hangin, puno ng insenso at mga bulaklak galing sa mga altar sa labas. Pero sa loob ng Buencarlos Grand Hotel suite— puro lamig at katahimikan.Tahimik siya.Tahimik rin ako.At sa pagitan naming dalawa ay may mga salitang hindi pwedeng sabihin, dahil baka mas masakit pa kaysa sa bala.Napakakumplikado rin niyang tao. Bukod sa ang hirap niyang basahin ay para bang may nakapalibot sa kanyang itim na awra. Nakakatakot pala talaga ang mga mafia.At ako?Ako si Roxy Bustamante. Ang kapalit. Ang anino.Ang babaeng tinuruan ng buhay kung paano magbenta ng katawan para lang mabuhay.“Tumigil ka sa kakatingin,” malamig niyang sabi habang iniinom ang alak sa hawak niyang wine glass sa balcony.“Tinitingnan mo ako para magbasa ng reaksyon? Hindi mo ‘yan makukuha, Bustamante.”Napataas ang kilay ko. Bustamante talaga?Ahh, hindi niya ako matawag-tawag na Roxy na dahil pangalan din pala iyon ng kambal ko. Tsk.Napayuko ako. “Hindi ko naman sinusubukang magbasa
Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi."Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa."She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa
Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga p

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





