XIAN POV Pagkatapos naming masigurong okay na si Karmela at ang baby namin, agad akong bumalik sa opisina para asikasuhin ang seguridad. Hindi ko hahayaang makalapit pa ulit ang kalaban sa pamilya ko. “Peter, kailangan nating tukuyin kung sino pa ang konektado kay Melissa. Hindi puwedeng maging kampante tayo,” sabi ko sa kanya habang nasa tawag. “Boss, may mga pangalan na kaming nahanap. Isa sa kanila si Grey, dati mong tao. Mukhang siya na ang gumagalaw habang nakakulong si Melissa,” sagot ni Peter. “Kunin niyo si Grey. Gawin niyong lahat para umamin siya. Kailangan ko siya bilang dagdag na testigo para mapatibay ang kaso kay Melissa,” utos ko, medyo iritado. “Yes boss, noted. Boss, may balita rin pala galing ospital—wala na si Xian James,” dagdag niya. Napahiga ako sa upuan at napabuntong-hininga. Wala na kaming magagawa sa kanya. Ang natitira na lang naming pag-asa si Grey, para lumabas ang totoo. KARMELA POV Habang nagpapagaling ako, hindi ko maiwasang mag-isip sa mga nang
Last Updated : 2025-08-07 Read more