“Sa wakas. Tapos na,” sabi ni Cherry pagkarating namin sa bahay. Kanina, habang nasa kotse kami, tahimik lang siya. Yakap ang braso ko, nakasandal ang ulo sa aking balikat, at panay ang buntong-hininga.Maging ako ay tahimik din. Oo, tapos na nga ang lahat, pero ang tensyon… ang mga nasaksihan namin kanina, at ang epekto ng ginawa nina Anthony at Grace, ay hindi pa rin nawawala. Sariwa pa rin sa aming alaala.“Pagbabayaran na nila ang kasalanan nila…” sagot ko nang makarating kami sa balcony.Mahigpit na yakap na lang ang isinagot ni Cherry. Kinulong ko naman siya sa mga bisig ko, dinadama ang katahimikan ng paligid. Tanging tunog ng mga dumaraang sasakyan, ihip ng hangin, at kaluskos ng mga dahon ang maririnig.Hinaplos ko ang likod niya. Ilang beses ko na kasing naramdaman ang kanyang pagbuntong-hininga. Marahil, katulad ko, hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang mga naganap.Hinaplos ko ang buhok niya, saka dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo. “Cherry…” Tumingala siya. Tumit
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya