"Lucas, it's nice to see you here..." bati ni Edward. Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Lucas na madiing nakakuyom. Halos lumabas ang ugat niya at mamuti ang kanyang kamao. I slowly slid my hands to hold him. Inangkla ko ang kamay ko at pinisil ng marahan ang kamay niya. Lumingon siya sa akin. Ang mga mata niyang namumula sa galit ay unti-unting kumalma. Hinaplos ko ang braso niya. I know it's not appropriate to do it pero gusto ko siyang kalmahin. "Do you know each other?" tanong ng organizer na si Mr. Alejandro. Nagpabalik-balik ang tingin mula kay Lucas at Edward. "He's my best friend from college, right, Lucas?" Lumapit si Edward kay Lucas at umakbay ito sa kabila. "Not anymore though," diretsang saad ni Lucas. He shrugged Edward's hand. Tumawa si Edward at naglakad patungo muli sa tabi ng organizer. Pero hindi pa siya tapos. Bigla siyang lumingon sa akin. Ngumisi. "Oh wow, Michelle, you are here also? Hindi kita nakilala. You look different. You are beautiful and stunnin
Last Updated : 2025-07-14 Read more