*Nakaraan (Robert and Sonia Story)* "Stop drinking, Sonia..." Tinaasan ni Sonia ng kilay si Robert. Sinasabi na nga ba niya, sana hindi na lang talaga niya pinayagan na sumama ang lalake. Pagbabawalan din lang naman siya sa gustong gawin. Sa pag-e-enjoy. "Stop!" aniya nito nang agawin ni Robert ang hawak na baso ng alak. Agad niyang inagaw iyon pabalik. "Robert, if you are being like this, please, just go home..." babala niya sa lalake. Nahihirapan siya dahil lahat ng galaw niya ay bantay sarado nito. They have an after-party dahil sa successful na screening ng kanilang pelikula na tumabo agad sa takilya. Isang araw pa lamang ang nakalipas, pero agad na milyon ang kinita ng pelikulang iyon. Kasama nila sa party na iyon ang mga cast at ang mga tao sa likod ng camera. Robert was there for her protection—kahit ayaw naman niya. Ayaw niyang naroon ang lalake dahil alam niyang ganoon ang magiging reaksyon nito. Ganoon ang gagawin. Gusto niyang kahit papaano ay maging malaya siyan
Last Updated : 2025-08-14 Read more