Lucas Point of View "Sister?""Felomina," sagot niya nang tanungin ko siya."I saw her outside, Lucas. Pinapasok ko na dahil may gusto daw siyang sabihin," paliwanag ni Sonia nang bumaling ako sa kanya. Mukhang sinadya talaga ako roon ni Sister Felomina. Napatango ako kay Sonia bago muling tumingin sa madreng nakatitig lamang sa akin. Pinaupo siya ni Sonia sa sofa. Inalalayan pa nga niya ito. Matanda na si Sister Felomina kaya nagtataka akong dinayo pa niya ako rito. "Can I offer you something, Sister Felomina?" tanong ni Sonia nang maayos ng makaupo ang Madre."Ayos lang ako, hija," tanggi nito. Tumingin sa akin si Sonia. "Iwanan ko muna kayo, Lucas," ika niya nang mapansin na nakatingin na muli sa akin si Sister Felomina. Nakahalata nI Sonia na talagang ako lang ang pakay nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Sonia.Pagkatapos mawala si Sonia ay binalingan ko naman si Sister Felomina."W-what brings you here, Sister Felomina?" tanong kong nagtataka pa rin. At paano kaya niy
Terakhir Diperbarui : 2025-08-07 Baca selengkapnya