Tumigil pa sila ng ilang sandali sa party. Lumapit sa kanila si Scott nang wala na itong kausap na ibang mga negosyante."Let's make a toast, Lucas, Michelle..." ani nito. Tinawag ang isang waiter at kumuha ng inumin.Pinaunlakan nilang dalawa si Scott. Inubos ni Lucas ang laman ng kanyang baso. Si Miranda naman ay sumimsim lamang sa wine na hawak. Pero hindi niya namamalayang sa paunti-unti niyang pagsimsim ay naubos niya iyon habang magkausap ang dalawa at siya naman ay palingon-lingon lang habang nasa tabi ni Lucas.Muli siyang kumuha ng wine sa dumaan na waiter. Muli, pasimsim lamang siya sa pag-inom, pero nakadalawang wine glass siya. "Excuse me, I need to go the washroom," paalam niya sa dalawa.. Hindi niya maalala pero batay sa reaksyon ng kanyang katawan, hindi siya sanay uminom dahil naging kakaiba ang kanyang pakiramdam. Nag-init ang kanyang pakiramdam. Kailangan niyang magpahangin."Don't get far..." bulong sa kanya ni Lucas. May paghaplos pa ito sa kanyang likod. Tuman
Last Updated : 2025-09-13 Read more