"Lucas!" sigaw na narinig nila mula sa sound monitor at recorder. Iyon ang hudyat para lumabas si Lucas sa van ng mga pulis na kasama nilang i-track ang kinaroroonan ni Michelle.Kuyom ang kamao ni Lucas nang marinig ang katotohanan mula sa bibig ni Vincent. Ngayon, malinaw na ang lahat at may dagdag na ebidensiya sila, it's time to stop him.Sinenyasan ni Lucas ang mga tauhan niya. Ang lider ng mga pulis na sumama sa kanila ay sinenyasan na rin ang mga tauhan. Kailangan na nilang sumalakay bago mahuli ang lahat. "Lucas..." pinigilan ni Robert si Lucas. "Hayaan mo na ang mga tauhan...""I need to save her. I promise I'll be there for her..."Naalala ni Lucas ang pag-uusap nila bago mawala si Michelle at sumama ito sa tauhan ni Vincent. It was all planned. Lahat ng naganap ay pawang planado at sila, umarte lang para paniwalain si Vincent. Nakakatakot sa una, pero nagtagumpay sila. Masasakote na nila ito nang tuluyan."Act like you really want to escape from me. Tayong tatlo lang ang
Last Updated : 2025-09-22 Read more