Hindi nga siya nagkamali. Naging laman siya ng blind item sa sumunod na mga araw. At kahit anong takip nila doon sa tulong ng kanyang agency ay lumabas pa rin na siya ang nasa blind items. Sa una ay tinatakpan pa ang mukha niya at hindi pinangalanan. Kalaunan ay napilitan aminin ng agency niya iyon.Pero hindi naging negatibo ang hatid sa kanyang karera ang nangyari. Mas hinangaan pa nga siya sa pagdepensa niya sa sarili. Mas dumami ang kanyang fans at followers niya sa iba't ibang social media dahil doon. Marami ang nagpahatid ng mga salitang nagpalakas sa kanyang loob.Kaya imbes na maglaylo muna siya ay mas dumami ang offer sa kanya bilang endorser ng iba't ibang produkto.May mga offer na rin siya ng action romance movies at makakapareha pa niya ang pinakasikat ngayon na actor star na si Koko Pimentin."This is big for us, Sonia..." ani manager niya. Nasa hotel siya nito ngayon. Pauwi na rin sana siya kung hindi lang siya nito kinontak through Elise para makausap. Hindi din nakap
Nanginig siya sa takot. Sunod sunod ang kalabog sa labas. Ang pinto ay muntikan ng mawasak sa lakas ng tadyak na ginagawa doon ng lalake. Napasigaw si Sonia nang mawala sa puwesto ang pinto. "Miss Sonia..." nakakalokong saad ng lalake. Tumatawa na parang demonyo habang isang tadyak pa ang ginawa upang tuluyang mawasak ang pinto ng kuwarto. Napaatras siya mula doon. Patakbo sana siyang pupunta sa terasa nang mahablot siya sa buhok ng lalake. Napahiyaw muli siya dahil sa pagkakasabunot sa kanya."Please, don't hurt me..." pakiusap niya.Natawang muli ang lalake."Eh kung sumunod ka na lang sana at hindi mo ako pinahirapan miss Sonia, sana masaya tayo ngayon. Alam mo bang matagal na akong nakasubaybay sa iyo. Ilang beses kong gustong gawin ito. Ngayon ay pagkakataon ko na—Ah!"Biglang sigaw nito.Kinagat ni Sonia ang kamay ng lalake. Nabitiwan siya nito kaya naman agad siyang nakatakbo palabas sa kuwarto. Tumakbo siya sa kusina at dinampot ang kutsilyong gamit kanina sa paghiwa ng lulut
"I love you. Hindi mo ba iyong nararamdaman. Mahal kita higit pa sa buhay ko...""Sa tingin mo ba sapat na ang pagmamahal para sa ating dalawa? May mga pangarap ako sa buhay at hindi ka kasali doon. Ginamit lang kita para umangat. Hindi kita minahal..."Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalake. Ang luhaan niyang mga mata ay mariing nakatitig dito. Puno ng iba't ibang emosyon ang kanyang mga mata. May galit, lungkot, pagdurusa at pagmamahal. Lahat ng iyon, portrayed in one shot. And then a big emotional outburst. Betrayal rages on her eyes."Cut!" Sigaw ng director. "Very good, Sonia! That's a beautiful portrayal! Iyan ang sinasabi ko. Kahit hindi magsalita, those eyes speak emotions! I love it!" Puri ng baklang director sa kanya. Pumalakpak pa dahil isang take lang sila. Ginalingan niya talaga dahil gusto na niyang matapos ang taping sa araw na iyon."Another best actress award!" Dagdag nito. Nagpalakpakan din ang ibang naroon. Maging ang ilang mga artistang kasama niya. La
"Sonia..."Patakbong pinuntahan ni Robert si Sonia. Nakaupo pa rin ito sa sahig at umiiyak. Tinawagan niya ito pero hindi sumasagot ang babae. Isang babae ang sumagot kalaunan at sinabi nga na naroon ito at hindi makausap ng maayos. Ang mugtong mga mata ni Sonia ay tumingin sa kanya. "You knew it, right?" ika nitong muling bumuhos ang mga luha. Ayaw na niya sanang umiyak pa pero hindi niya mapigilan. Masakit ang nalaman niya. Na mismong ina niya ang wawasak sa kanilang pamilya. Maging ang mataas na tingin niya sa sarili ay bumaba at nawasak sa nalaman."Hindi kita maintindihan..." saad naman ni Robert. Pilit itinayo ang dalaga. Kinuha din niya ang tubig na inabot ng receptionist. Binuksan at binigay iyon kay Sonia. "You need to drink..." pamimilit niya dito. Lalo at halata na ang pagda-dry ng lips ng dalaga.Uminom naman si Sonia. Kanina pa niya ramdam ang panghihina dahil sa walang tigil na pag-iyak. Maging ang lalamunan niya ay nanunuyo. "We need to go..." yakag ni Robert. Inala
Hindi nga tumigil si Sonia sa pagdiskubre ng katotohanan na gusto niyang alamin. Malakas ang kutob niya na may ginagawa ang ina sa likod ng ama. Wala ngayon ang ama dahil sa business trip nito. Napag-alaman niya mula kay Robert na nagpaiwan ang ina nito samantalang dati naman ay sumasama ito sa kung saan pumunta ang ama. Parang tukong nakakapit sa kanyang asawa. Pero ngayon...Hindi na alam ni Sonia ang iisipin pa. Masyado siyang ginugulo ng nakita at ng kanyang pagdududa. Hindi iyon mapuputol hanggang hindi niya nalalaman ang katotohanan.Dahil walang workshop ngayon ay ang araw na iyon niya binalak na subaybayan ang ina. Hindi niya rin sinabi kay Robert ang balak dahil siguradong pagsasabihan lamang siya. Napilitan nga lamang ito sabihin ang pagpapaiwan ng ina kung hindi lamang niya ito tinakot na gagawa ng eksena. O tatanungin mismo ang mga tao sa mansiyon."Miss, hanggang kailan tayo rito? Kailangan kong maka—""Manong, babayaran ko po pati boundary mo at buong araw. Can you just
Isang katok. Dalawa. Tatlo. Sunod-sunod iyon na siyang gumising kay Robert. Tiningnan niya ang orasan. Alas onse ng gabi. Kakakuha lamang niya ng kanyang tulog pero heto, may gumagambala muli sa kanya. Maaga pa naman ang pasok niya kinabukasan.May inis sa mukha na bumangon siya. Wala siyang suot na pang-itaas na damit dahil mainit sa loob ng kuwarto niya. Wala din naman siyang pakialam dahil istorbo ang taong naroon sa labas ng kanyang kuwarto. Bukas, magrereklamo na talaga siya sa landlady nila dahil sa mga nakakapasok sa boarding house kahit dis oras na ng gabi. Wala kasing curfew time doon dahil nga hindi lang naman estudyante ang mga nagsisiboarding, ang ilan din ay mga nagtatrabaho ng gabi.Sunod-sunod pa ang katok na ginagawa ng nasa labas. Sa tingin niya ay lasing na tao ang naroon. Nangyari na rin kasi minsan iyon sa kanya. Maling kuwarto ang kinakatok ng lasing na dalaga sa kaharap niya lang na kuwarto."Puwede bang tumigil ka! Panira ka ng tulog!" asik niyang binuksan ang