Share

Chapter 192

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-07-20 21:20:34

Napapikit si Josh habang naririnig ang malakas na bagsak ng pintuan sa likuran niya. Humigpit ang hawak niya sa tasa ng kape na kanina pa niya hawak, ramdam ang pag-init ng likod ng kanyang batok—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pagkabigo.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin…” mahinang usal niya sa sarili.

Alam niyang mali ang tono ng pagkakabigkas niya kanina. Hindi niya layuning ipagtanggol si Ellaine, pero ayaw rin niyang basta na lang magbintang nang walang matibay na ebidensiya. Ngunit ang hindi niya inaasahan—ay ang lalim ng emosyon na naramdaman ni Renzelle.

Tumalikod siya sa veranda, at ilang sandali pa’y tinungo ang pinto, saka marahang binuksan iyon. Tahimik ang loob ng bahay, ngunit mula sa hagdan ay narinig niya ang mahinang yabag ni Renzelle, pababa mula sa silid na pinagpahingahan ni Hannah.

“Renzelle…” mahinang tawag niya.

Hindi agad tumigil sa paglakad ang babae. Ngunit sa dulo ng hagdan, huminto ito. Bahagyang lumingon. Walang luha, pero malamig ang tingin.

Lalapit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubina Faustino
ingat kayo Josh and renzelle nasa malapit Nyo lang pala c Caleb wag nmn Sana matagumpay balak Niya baka mapahamak c Hanna at baby hope
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 197

    Lumipas ang ilang minuto. Tahimik ang buong ospital. Ngunit sa ilalim ng katahimikan, may umaaligid na panganib.Sa labas ng ospital, isang puting van ang nakaparada sa gilid ng kalsada, hindi kalayuan sa entrance. Sa loob nito ay isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng hoodie at itim na gloves, pinagmamasdan ang ospital sa pamamagitan ng binoculars.Kasama niya sa loob ang isang lalaking may hawak na laptop, konektado sa signal jammer at mga portable surveillance equipment."Signal’s clean. Wala pang palatandaan na napapansin tayo," ani ng lalaki.“Perfect,” sagot ng babae. “Huwag kang magkamaling pumalpak, Vince. Isang maling galaw mo lang, ikaw ang isusunod ko kay Caleb. Babaliwin din kita!”“Copy that, boss.”Binuksan ng babae ang isang maliit na box. Naroon ang larawan ni Hannah—at ng isang sanggol."Magpakasaya lang kayo.. mamamatay naman kayo ng magkakasama..*******************Samantala, sa silid ng NICU, isang nurse ang dahan-dahang pumasok—pero may kakaiba sa kanya. Kulay

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 196

    Habang nagpapahinga si Hannah, lumabas saglit si Edward upang alamin kung ano na ang progress ng lahat.."Sir, hindi matukoy kung nasaan si Caleb Endaya, pero may mga nagmamanman pa rin sa bahay nila upang hindi siya makabalik doon.""Sige, hindi pa ba napipiga si Miraflor?""Hindi pa sir. Masyadong nagmamatigas ang kanyang ina at ipinagpipilitan na si Caleb ay wala sa sarili. Nababaliw na daw ang kanyang anak.""Hmm.. sa rest house nina Josh? anong balita?""Gumuho na iyon ng tuluyan sir. May ilang tauhan doon na nasugatan, ngunit wala namang namatay..""Mabuti naman kung ganoon.. pero yung rest house, ipa estimate agad kung magkano.. para mapalitan agad natin.."Muling huminga ng malalim si Edward bago siya tumalikod at bumalik sa corridor ng ospital. Pagdaan niya sa hallway, napansin niya si Josh na palabas ng silid ni Renzelle. Tumigil ito nang makita siya.“Edward,” sabay lapit ni Josh. “Kumusta si Hannah?”"Okay naman siya, nagpapahinga na. Si Renzelle?""Maayos naman siya.. hih

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 195

    Samantala, sa recovery room, nagising si Hannah. Mahina pa ang katawan niya pero agad siyang naghanap.“Si Hope?” agad na tanong niya.“Andito lang po, Ma’am,” sabi ng nurse na nagbabantay. “Mahimbing pa rin ang tulog niya, pero stable ang vital signs. Makakahinga na po kayo nang maluwag.”Napaluha si Hannah sa sobrang ginhawa. Ngunit agad ding bumalik ang kaba.“Si Josh? Si Renzelle?” aniya.“Si Sir Josh po ay nasa OR, nagbabantay po kay Ma’am Renzelle. Nasugatan po siya sa insidente. Pero maayos na pong inaasikaso.”“Gusto ko siyang makita… kung maaari…” mahina ngunit mariin ang tono niya."Hannah," pumasok si Edward at inalalayan siya, anong problema?""Gusto kong makita sina Renzelle at Josh..""Nasa operating room pa si Renzelle..""Kahit na! Dalahin mo ko sa kanya.." pakiusap ni Hannah, may halong luha ang kanyang mga mata."Nurse," tinanguan ni Edward ang nurse na naroroon.Nag-ayos agad ang nurse ng clearance mula sa attending physician. Ilang minuto pa, pinayagan siyang maka

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 194

    “RENZELLE!” sigaw niya habang hawak ito nang mahigpit.Nagkakagulo sa labas. May sumisigaw ng “May bomba!” at “Secure the perimeter!” habang ang mga pulis ay nagsimulang magsilapitan.Agad na tumayo si Josh at hinila si Renzelle papalabas ng dining area patungong hallway.“Dumaan tayo sa emergency exit!” sigaw niya.Medyo sugatan si Renzelle sa braso, pero hindi niya ito inalintana. “Si Hannah—si Hope—kailangan nating makaalis agad! Baka kasunod na ang pag-atake!”"Ako na ang bahala sa kanila, kapag nailabas kita!"Agad silang sinalubong ng ibang tauhan. Pagbalik ni Josh, kasunod na niya ang mga doctor at nurses na inaalalayan si Hannah pagbaba ng hagdan.Agad niyang sinalubong ang mga ito, at binuhat si Hannah palabas.Dala naman ng isang nurse ang bata at ang maliit na oxygen."Bilis! sumakay kayo sa ambulansiya!" sigaw niya sa mga nurse, at doon na rin isinakay si Hannah, "sa ospital!"Binalikan ni Josh si Renzelle.Nag alingawngawan na ang palitan ng putukan sa lugar. Umuusok sa b

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 192

    Kinabukasan, maagang gumising si Josh. Bumaba siya sa kusina at sinimulang magluto ng almusal. Maya-maya pa’y narinig niyang bumaba si Renzelle, mukhang hindi rin nito nakatulog nang maayos. Namumugto ang mata at halatang pagod. Ngunit kahit ganoon, ngumiti ito nang bahagya sa kanya.“Good morning,” bati ni Josh.“Good morning,” tugon ni Renzelle habang umupo sa dining table. “May balita na ba?”"Wala pa.. maaga pa, marahil kailangan din ng pahinga ni Edward. Kumain ka muna.."Tumango si Renzelle. “Salamat, Josh.”“Alam mo namang hindi kita pababayaan,” sagot niya, sabay lapag ng mainit na tasa ng tsaa sa harap ng babae. “Lalo na sa ganitong sitwasyon.”Tahimik silang kumain, pero parehong alerto. Alam nilang kahit isang saglit ng pagiging kampante, maaaring pagsimulan ng kapahamakan. Lalo na't alam nilang buhay pa si Caleb at may balak itong masama.Maya-maya’y tumunog ang cellphone ni Renzelle. Agad niya itong sinagot.“Agent Rico?” tanong niya.“Ma’am, may bagong galaw si Caleb. Ay

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 192

    Napapikit si Josh habang naririnig ang malakas na bagsak ng pintuan sa likuran niya. Humigpit ang hawak niya sa tasa ng kape na kanina pa niya hawak, ramdam ang pag-init ng likod ng kanyang batok—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pagkabigo.“Hindi iyon ang ibig kong sabihin…” mahinang usal niya sa sarili.Alam niyang mali ang tono ng pagkakabigkas niya kanina. Hindi niya layuning ipagtanggol si Ellaine, pero ayaw rin niyang basta na lang magbintang nang walang matibay na ebidensiya. Ngunit ang hindi niya inaasahan—ay ang lalim ng emosyon na naramdaman ni Renzelle.Tumalikod siya sa veranda, at ilang sandali pa’y tinungo ang pinto, saka marahang binuksan iyon. Tahimik ang loob ng bahay, ngunit mula sa hagdan ay narinig niya ang mahinang yabag ni Renzelle, pababa mula sa silid na pinagpahingahan ni Hannah.“Renzelle…” mahinang tawag niya.Hindi agad tumigil sa paglakad ang babae. Ngunit sa dulo ng hagdan, huminto ito. Bahagyang lumingon. Walang luha, pero malamig ang tingin.Lalapit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status