XYRILLE POV Akala ko ay tapos na si Joyce sa kaniyang drama, hindi ko napansin na sumunod pa pala sila sa amin. Pagkadating ko sa opisina ni David ay nagulat ako nang biglang bumukas din ang pintuan sa aking likuran at niluwa nito ang imahe ng aking bruhang step sister. Nang makita ni Joyce si David na pumasok, agad siyang nagreklamo parang isang bata. "Hoy David panuorin mo ang videong ito, ngayon narinig mo ba ang sinabi ng asawa mo? Ngayon malalaman mo kung gaano kasama ng ugali ng babaeng yan! Nagbabalat kayo lang yan pag kaharap ka kunwari ay bait baitan. Tshh nakita mo na kung gaano katabil ang dila niyang si Xyrille” "Excuse me?! Ako ba ang kinakausap mo? First of all, hindi Hoy ang pangalan ko. It’s David, David Loyola at Oo, narinig ko lahat actually kanina ko pa napanuod ang video na yan bago pa man kayo dumating dito dahil may mga netizen na nag live. At sa tingin ko naman, tama ang asawa ko sa lahat ng sinabi niya," sagot ni David kay Joyce haba
Terakhir Diperbarui : 2025-07-01 Baca selengkapnya