Share

Chapter One hundred-two

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-12-18 18:26:49

Samantala, ibinagsak ni Gaia ang nahuling hayop sa labas ng kagubatan. Ito ang pang-siyam niyang huli sa gabing ito. Kapag alam niyang sapat na iyon, mananatili naman siya sa gitna ng dilim habang iniisip si Aurus. Nagbago na ang lugar na kaniyang pinupuntahan. Ayaw na niyang bumalik kung saan aksidente silang nagkita ng estranghero.

“Sa tingin niyo marami ulit tayong mahuhuli ngayon?”

Mabilis nagtago si Gaia nang marinig ang boses ng isang lalaki. Alam niyang isa ito sa anim na lalaki na umatake noon sa kaniya. Akala ng mga ito isang hayop ang lumabas sa kagubatan kaya inatake siya. Nalaman niyang namamahagi ng pagkain ang anim na ito sa ibang tao sa Blackhole. Nakita niya iyon habang naglalakad pauwi. Hindi niya intensyon na tulungan ang anim, inaatake lang siya ng mga hayop sa gubat kaya niya napatay. Dinadala niya iyon sa bungad ng kagubatan dahil masyadong delikado kung papasok pa ang mga ito sa loob. Mas mabuting may pakinabang sa mga hayop kaysa mabulok.

“Ayon! Maraming nakaim
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angeline Tabalan
Whoa?? Tama ba ang iniisip ko ngayon?? Ayieee...ay basta...🫣.........️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Last chapter

    Mabilis lumipas ang sampung taon, hinahampas ng malakas na hangin ang buhok ng dalawang batang babae habang nakatanaw sa malakas na alon ng Hell entrance. Sumasayaw din sa hangin ang magkaparehong kulay rosas nilang bestida. Nakaupo naman ang batang lalaking may dilaw na buhok sa lupang nababalutan ng maliliit na damo.“Which do you think is more exciting—playing knives or jumping off the cliff?” inosenteng tanong ng batang may kulay puting buhok. Katabi nito ang isa pang batang may kulay itim na buhok. Pareho ang kanilang pisikal na itsura, pero madalas silang magtalo kung alin ang mas exciting gawin.“Playing knives,” sagot ng batang kulay itim ang buhok.Ngumuso ang batang may puting buhok. Binalingan pa nito ang batang lalaki.“How about you?” tanong nito.“Dancing with a thousand of flying arrows,” sagot ng batang lalaki nang hindi inaalis ang luntiang mga mata sa malalaking alon ng hell entrance. Tila normal lang dito ang larong ginagawa.“Ugh, boring. Is there any thrill around

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter One hundred-twenty one

    Dalawang buwan ang mabilis na lumipas, nasaksihan ng lahat ang kagandahang taglay ng kastilyo pagkatapos ng laban. Natanggap din nila ang bagong lider sa kaharian. Nalipol ang mga assassin ni Pluto, nakaligtas ang mga kawal sa kontrol nito, naparusahan ang dapat maparusahan na naging kasabwat ng mga ito. Inutusan nila ang lahat ng mamamayan na sirain ang regalong pigurin ni Xian para tuluyang mawala ang marka. At sa ganoong paraan, nakalaya ang lahat sa marka ng Sandevil.Naging madugo man ang digmaan ngunit karamihan ay naagapan sa pagkamatay. Tulong-tulong ang lahat para muling ibangon ang kaharian. Kahit abala ang lahat, hindi pa rin nakalimutan ang isang mahalagang seremonyas—ang pagluklok kay Gaia bilang reyna kasabay ng kanilang kasal ni Aurus. Naging ganap silang mag-asawa, at sila ang namuno sa Forbideria bilang hari at reyna.Sa kasalukuyan, magkasama sina Gaia at Aurus habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kastilyo. Tila kumikinang ito sa sikat ng araw dahil sa ginto nitong

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter One hundred-twenty

    Masyadong mataas ang tore ng kastilyo. Kung wala siyang tali siguradong deretso siya sa ibaba. Hindi pa tuluyang naalis ang hamog doon kaya hindi niya alam kung anong meron sa babagsakan niya.Tumutulay siya sa bubong ng maliliit na tore hanggang sa makakuha siya ng tamang layo at posisyon para pakawalan ang dalawang palaso.“Para ito sa lahat ng naging biktima mo, Pluto,” sambit niya bago pakawalan ang pana.Nakita ni Gaia ang paglipad ng dalawang palaso sa direksyon ni Pluto. Humarang doon ang mga assassin, pero lumagpas ang palaso sa mga ito. Walang totoong katawan ang mga assassin ni Pluto kaya hindi bumaon ang palaso sa mga ito. Napanatag siya nang makita niyang tinamaan si Pluto at bumagsak ito sa lupa. Nabigyan na niya ng hustisya ang kaniyang angkan at ang dahilan kaya nawalay siya sa kaniyang pamilya.Binitiwan ni Gaia ang hawak na palaso. Hinawakan niya ang lubid para muling makabalik sa tore, ngunit naging malubay ay lubid.Naramdaman ni Gaia ang pagkahulog ng kaniyang kat

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter One hundred-nineteen

    “Patayin silang lahat!” malakas at galit na utos ni Pluto sa kaniyang mga assassin.Mas lalong tumindi ang galit ng matanda nang biglang lumitaw ang hindi niya inaasahang tao sa harapan ng babae.“Hindi mo siya masasaktan hanggat narito ako,” malamig at walang emosyon nitong sabi.“Divine Astro?!” gulat na sabi ni Pluto.“Nagkakamali ka. Ako si Aurus La Mier,” sambit ni Aurus at magkasabay silang sumugod sa mga assassin ni Pluto. Alam na nila ang kahinaan ng mga assassin kaya mabilis nilang natatalo ang mga ito.“Bwesit!” galit na sabi ni Pluto.Tumakbo ito palayo habang pino-protektahan ng mga natitirang assassin.“Tama si Tiyo, traydor ka rin!”Bumaling si Gaia nang dumating si Xian. Maraming kawal ang nasa likuran nito, pero tila wala sa sarili ang mga iyon.“Kontrolado nila ang mga kawal,” sambit ni Gaia. “Ako ang haharap sa kanila,” sagot ni Aurus.Nagpalit sila ng pwesto ni Aurus. Siya ngayon ang nakaharap sa mga assassin ni Pluto, habang si Aurus naman ang nakipaglaban sa mga

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter One hundred-eighteen

    Bigla silang bumaling sa nagsalita. Kumunot ang noo ni Gaia nang makita ang isang batang lalaki. Sa palagay niya mas bata ito ng ilang taon kay Brie, pero nakakamangha ang itsura ng bata. Kulay dilaw ang buhok nito, luntian ang mga mata at sobrang puti ng balat. Parang hindi ito nasisikatan ng araw.Natuwa siya sa bata kaya nilapitan niya ito. Hindi niya maiwasang yakapin ito at buhatin patungo kay Aurus.“Aurus, tingnan mo siya. Ang cute niya,” masaya niyang sabi. Hindi rin niya napigilang halikan ang bata. Wala naman itong reaksyon sa ginagawa niya.Halata rin ang pagkamangha ni Aurus sa bata.“Parang... kamukha ko siya.”Pinagmasdan ni Gaia ang itsura ni Aurus at ng batang lalaki. Maliban sa kulay ng buhok at mga mata, magkapareho talaga ang itsura ng dalawa. Parang hinulma ang bata sa itsura ni Aurus.“Bakit narito ka, baby?” nakangiti niyang tanong sa bata.Bumaling ang tingin nito sa kaniya na parang iiyak niya.“Shhh... bakit? May masakit ba sa ’yo?” nataranta niyang pag-alo sa

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter One hundred-seventeen

    Nanlaki ang mga mata ni Gaia nang tumayo si Aurus. Nakangisi itong lumapit sa kaniya at muling inihiga sa kama. Mahina siyang napatili nang umibabaw ito sa kaniya.“Hindi ko na mahintay ang sa susunod na lang na sinasabi mo,” bulong nito. Marahan nitong kinagat ang kaniyang tainga bago dahan-dahang bumaba ang mga halik patungo sa kaniyang mga labi.“Nahihirapan na ako, mahal. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko,” mahina nitong bulong.Iniyakap ni Gaia ang dalawang braso sa batok ni Aurus at sinalubong ang mapusok nitong halik.“Kung gano’n, huwag mong pigilan.”Sa isang iglap lang nagawang alisin ni Aurus ang nakabalot na kumot sa katawan niya. Mas naging maalab ang pinagsaluhan nilang dalawa. Tila wala silang inaalala kundi ang init na gustong kumawala sa kanilang mga katawan... sa ikalawang pagkakaton ngayong araw.Napaliyad si Gaia nang maramdaman ang kahandaan ni Aurus sa bukana ng pagkababae niya hanggang tuluyan nitong pasukin iyon. Kumawala ang ungol sa kaniyang bibig nang muli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status