Nilunok niya ang laway bago nagpatuloy. "May high-rise condominium project na itatayo sa Skyline City na may orihinal na budget na $16.8 million. Pero umabot sa $39.5 million ang kabuuang naging gastos dahil sa sunod-sunod na advance payments para raw sa materyales at sahod ng mga tauhan. Ayon sa nakalagay sa Change Order Report, idinagdag daw ang mga imported na materyales gaya ng high-grade steel, Italian tiles, at special glass panels pero sa aktwal na inspeksyon, wala ni isa sa mga ito ang natagpuan sa site. Mas mababa pa nga ang klase ng materyales na ginamit."Humugot siya ng malalim na hininga, halos nanginginig na ang tinig. "Bukod doon... pinalobo rin ang gastos dahil sa inflated labor cost at consultancy fees na ipinasa sa tatlong subcontractors na halos walang dokumentadong output. Ang mas nakapagtataka, mahigit $4.2 million ang na-withdraw bilang ‘emergency cash advance’ pero walang supporting receipts o inventory record kung saan ito ginamit. At ang supplier na pinagkunan
Last Updated : 2025-09-08 Read more