ARIANA POV Hinawakan ko ang kamay ni Emanuel habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa study room. Katatapos lang naming mag-agahan, at gaya ng dati, tutor time na naman. “Let’s finish your reading today, okay?” masiglang sabi ko sa kanya. “Opo, Ate Ariana. Tapos maglaro tayo,” sagot niya, sabay tawa. Ngunit bago pa man kami makarating sa study room, biglang bumukas ang malalaking pintuan ng sala. Isang babae ang dumating—nakasuot ng mamahaling bestida, may malalaking hikaw, perlas sa leeg, at mataas ang kilay. May kasamang katulong na may dalang maleta ng mamahaling brand. Agad kong napansin ang awra—classy, intimidating, at may kaunting pagmamataas sa bawat kilos niya. Hindi ko siya kilala. “Lola!” sigaw ni Emanuel, sabay takbo papunta sa babae. Lola? Siya ang ina ni Ma’am Noime? Napaatras ako nang bahagya, hindi ko alam kung lalapit ako o mananatili sa kinatatayuan ko. Niyakap ni Emanuel ang matanda. “Lola! Miss na miss kita!” “Hijo, my baby boy!” anito, saka niyakap
Terakhir Diperbarui : 2025-04-09 Baca selengkapnya