ARIANA POV Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng pool habang pinagmamasdan ang dalawang bata—si Emanuel at si Bella—na masayang naglalaro sa tubig. Paulit-ulit ang tawa nila, parang musika sa tenga ng kahit sinong may pusong bato. Pero sa akin? Sa puso kong puno ng kaba at pangamba, tila ba mas lalo lang akong nilulunod ng sariling iniisip. Hindi ko napansin na may lumapit na pala sa akin. “Hindi ka ba sasama sa kanila?” tanong ni Drake, ang malapit na kaibigan ni Zephyr. Umupo siya sa tabi ko, may hawak na inumin at may nakangiting mukha, pero halatang may basang pag-aalala sa mga mata niya. Umiling lang ako. “Okay na po ako dito. Gusto ko lang pong panoorin sila.” Napansin siguro ni Drake ang bigat sa boses ko. “Marami kang iniisip,” mahina niyang sambit. Lumingon ako sa kanya, saglit lang, pero sapat para makita niyang hindi ako makatanggi. At oo, hindi lang ito tungkol sa trabaho. Hindi lang ito tungkol sa kontrata. Ito ay tungkol sa puso ko, sa damdamin ko, at sa kas
Last Updated : 2025-04-18 Read more