Zephyr POV Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Emanuel. Nakahiga siya sa sahig ng kwarto, umiiyak, sumisigaw, at paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ni Ariana. Pilit ko siyang kinakausap, niyayakap, pinapatahan—pero parang wala siyang naririnig. Para akong hangin sa harap niya. Ilang araw na siyang ganito. Pilit kong iniintindi, pilit kong inuunawa. Pero tangina, tao rin ako. Napapagod. Nauubos. “Zeph, tama na 'yan. Tara na,” sabi ni Drake, nakasandal sa pinto ng kwarto, hawak ang susi ng sasakyan. “Alam mong ‘di magiging maayos ‘yan hangga’t ‘di mo siya sinusundo.” Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako kay Emanuel habang hawak-hawak ang ulo ko. “Halika na. Pumunta na tayo sa probinsya,” dagdag pa ni Drake, palipat-lipat ang tingin kay Emanuel at sa akin. Sa totoo lang, ilang beses ko na ring naisip ‘yan. Ilang beses ko nang muntik itulak ang sarili kong sumakay ng kotse, lumuwas, at hanapin si Ariana. Pero... palagi kong naaalala ang huling sinabi ni Noime. "Mas p
Terakhir Diperbarui : 2025-04-30 Baca selengkapnya