Third Person POV Maaga pa lang ay abala na ang lahat sa paghahanda. Ang araw ay unti-unting sumisilip mula sa ulap, at ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat, na para bang binabati ang bawat isa ng magandang umaga. Nakadaong pa sa gilid ng pribadong port ang engrandeng yate na pagmamay-ari ni Drake. Sa ilang sandali na lang ay luluwas na sila papunta sa isang pribadong isla, para doon ituloy ang kasiyahan ng mga bata—at marahil, para rin ayusin ang gusot ng ilang matagal nang damdamin. Tahimik ang paligid. Hindi dahil sa walang tao, kundi dahil sa tensyon na naroroon sa ere. Sa isang gilid ng yate, nakaupo si Noime, nakasuot ng eleganteng beach dress at malalaking sunglasses. Sa tabi naman niya ay si Zephyr, tahimik at walang kibo, tila malayo ang iniisip habang pinagmamasdan ang karagatan. Walang lambingan, walang holding hands, at lalong walang palitan ng salita. Para silang dalawang estranghero na magkatabi lamang dahil sa obligasyon. Wari ni Ariana, hindi pa rin ayos ang
Terakhir Diperbarui : 2025-04-19 Baca selengkapnya