Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit
Last Updated : 2025-06-12 Read more