ARIANA POV Tuwang-tuwa si Emanuel habang tumatakbo sa playground, pawisan na ang noo niya pero hindi pa rin nauubos ang sigla. Ako naman ay nakaupo sa isang bench, nakasunod ang tingin sa bawat hakbang niya, handang tumakbo kung sakaling matisod o madapa. Pero imbes na matisod, bigla siyang bumalik sa tabi ko at umupo saglit, hingal na hingal pero may ngiti pa rin sa mukha. “Ate Ariana,” bulalas niya habang pinupunasan ko ng tissue ang pawis sa noo niya, “totoong malikot po talaga ako. Sabi po ni Daddy minsan daw hindi niya ako matigil kapag hyper na ako.” Napangiti ako. “Oo nga, napansin ko rin. Para kang may limang battery sa katawan.” Tumawa siya nang malakas, tapos bigla siyang sumeryoso, pero may kinang pa rin sa mga mata. “Pwede po ba, mamasyal tayo uli sa inyo? Sa probinsiya n’yo?” Napatingin ako sa kanya. “Bakit mo naman gustong mamasyal doon?” “Kasi po sabi n’yo may tanim kayo at may mga alaga kayong manok at pato, ‘di ba?” Tumayo siya bigla, sabay turo sa malay
Last Updated : 2025-04-12 Read more